Litong Damdamin

34 0 0
                                    

I.

Sa katahimikan ng paligid

Aking napag-isip-isip

Damdaming estrangherong

Bumabalot sa'king pagkatao

Katanungang nais mahanapan

Ng kasagutan

Akin kaya itong matatagpuan?

II.

Tuwing ika'y pagmamasdan

Mula sa malayo

Bakit kay saya nitong

Pakiramdam?

Ngunit kapag ikaw na

Ay napatingin,

Kakaibang pintig ng puso'y

Hindi maunawaan?

III.

Sa tuwing magkakalapit

Ay 'di mapakali,

Nalilito, naguguluhan,

Tila kiti-kiti.

Tama pa ba ang aking

Pakiramdam?

O, ako na ay nahihibang?

IV.

Kapag ika'y nakatitig

Na sa aki'y tanong ko'y;

Bakit tila mundo ko

Ay humihinto?

Oras at tila bumabagal

Pero pabilis ang tibok

Nitong aking puso?

V.

Ilan lang sa damdaming

nagpapagulo

Sa aking mundong

Sadyang gulong-gulo.

Ngunit kasiyahan tuwing kasama

Ka ay nararamdaman

Pag-amin nitong aking damdaming

Hindi ko maunawaan.

Unang tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon