The cold weather of London welcomed me as I disembarked from the plane. I took my time to process everything bago ko napagdesisyonan na mag-message na kay Tita Ericka para sabihin na nasa London na ako.
Habang hinihintay ko ang mga maleta ko sa baggage area ay may lalaki na nakakuha ng atensyon ko. He looks expensive, mukang hindi mapapasaakin. He was wearing a white polo shirt and maong pants while talking to another man.
My luggage arrived kaya lumabas na ako sa may arrival area nang makita ko ang tiyahin ko na naghihintay na sa akin. She offered na sa kanila muna ako tumuloy bago ako makakita ng sarili ko na lugar.
"Laura! Look at you, ang fresh mo naman! How was your flight?" Salubong sa akin ni Tita habang yakap ako.
Lumaki ako na hindi ko s'ya nakikita nang personal. Bago pa man kasi ako ipanganak ay nandito na s'ya sa London at may pamilya na.
"Hello, Tita! The flight was good po, there wasn't much turbulence but it can be better. Salamat po sa pag-sundo."
"Naku, wala 'yon, 'no! My children are excited to meet you na nga." Sabi n'ya. "Tara na, the car's over there."
Nang makarating na kami sa bahay nila, sinalubong ako ng mga anak n'ya na si Jackson at Lance. Jackson is older by 2 years while Lance is the same age as me.
"Laura, right? Mama has been talking about you non-stop for the past weeks. Glad to be able to finally meet you." Jackson, I think, said na ikinatawa ko.
"Yeah, Mama is ecstatic to have you here. She even decorated your room herself. I'm Lance, by the way." Sabi naman ni Lance.
I laughed, "Really? It's nice to meet you both."
"Boys, enough chitchat. Bring her luggage to her room while I give her something to eat." Utos ni Tita. "Nilalaglag n'yo ako, ah!"
"Hala, ako na po. Kaya ko na po 'yan, hindi naman po karamihan yung dala ko na mga gamit." Sabi ko.
"Kaya na nila 'yan." Sabi ni Tita. "'Di ba?"
"That's right. Don't worry about it." Sabi ni Jackson, hawak na ang maleta ko.
"Tara, 'nak. I made some blueberry waffles before I left kanina. Are you hungry?"
"Medyo po, Tita. Hindi po kasi ako makakain kanina sa eroplano." Sagot ko.
Tita Ericka gave me a plate and I can already feel my mouth salivating from the smell. This will be my first meal in London at mukang masisiyahan na agad ang t'yan ko.
Unang kagat palang, nalalasahan ko na ang sarap ng luto ni Tita. Kung ganito lagi ang makakain ko, panigurado na tataba ako.
"Tita, ang sarap. Pwede na maging chef." Pambobola ko na ikinatawa naman n'ya.
"Ikaw talaga, okay na ako sa trabaho ko bilang nurse." Sabi n'ya. "At kahit naman hindi mo ako bolahin, ipagluluto pa rin kita."
"Salamat nga po pala, Tita sa 'pag offer n'yo na rito ako tumira pansamantala." Pasasalamat ko. "Don't worry po, as soon as I get a place of my own, lilipat po ako."
"P'wede ka tumira rito hanggat gusto mo. Matagal ko na gusto magkaroon ng babae na anak pero dalawang lalaki ang ibinigay sa'kin kaya nang sabihin ng mama mo na pupunta ka sa London, nilinis ko na agad y'ong guest room." Sabi n'ya. "I already talked to Henry na rin and he wants you here, too. Don't worry about it and take your time."
"Thank you po talaga, Tita. I don't know kung saan ako pupulutin if it wasn't for your offer."
Tita Ericka gave me a tour of the house after we ate. Hindi kalakihan ang bahay nila pero may malaki na bakuran sa likod ng bahay.
BINABASA MO ANG
The President's Son
RomanceEverything Laura Elysse has ever dreamed of is now in front of her eyes but what if everything disappears in the blink of an eye? In the process of healing, she meets someone that will make her believe that she deserves love. Will she give everythin...