Simula

599 50 18
                                    

Sustania's POV

"Ano na namang kagagahan ito, Maraya?!" galit na sigaw ni mommy at padarang na nilapag sa harapan ko ang resulta ng kabulastugan ko sa High University.

Oo, kasalukuyang akong nag-aaral sa High University kaso nagkaroon ako ng maraming records sa paaralan na iyon dahil sa kabulastugan ko. Marami akong nasaktang mga estudyante doon at lahat umuwing hospital.

Kasalanan ko ba 'yon? Sila ang nagsimula, tinapos ko lang.

How did the blame end up on me?

Umiling ako habang nakatuon sa selpon ang atensyon.

Galit namang lumapit sa akin si mommy. Kulang na lang sabunutan niya ako sa sobrang pagkainis niya sa akin. Lagi na lang kasi bad reports ko ang bumubungad sa kaniya pag-uwi niya ng bahay. Minsan mga reklamo ng mga magulang no'ng inagrabyado ko. Mga tanga anak nila e! Ang hihina.

"Hindi ka ba talaga magbabago, Maraya?! Pang ilang beses na 'to!" galit niya na namang untag.

Ibinaba ko ng dahan-dahan ang hawak na selpon saka tiningnan ang sandamakmak na reklamo sa akin. I took a piece of paper from there while she was intently watching me.

"Rain Celeste Velasquez." Basa ko sa pangalan nito. Isa siya sa mga babaeng nadamay sa away ko. Wala akong atraso sa babaeng ito, in fact, I saved her.

Tangina kasing Sky iyon! Akala niya sinaktan ko si Rain dahil ako ang nahuli niyang nakita kasama si Rain. Puno siya ng mga sugat non, halos hindi na mamukhaan ang mukha niya. Kung hindi dahil sa impluwensya ng pamilya namin baka matagal na akong nakulong.

"Hindi ko siya sinaktan," mariin kong sabi.

"I don't know what to do with you anymore, Maraya!"

"Bukas na bukas ay ililipat na kita! Hindi na kaya ng admin na papasukin ka pa doon!"

She hastily picked up the scattered papers on the table and gave me a stern look before leaving with her three bodyguards.

Nang masigurong nakaalis na siya, napabuntonghininga ako. I leaned my body against the sofa and closed my eyes tightly. I remember again the damn thing that happened yesterday, why I got involved in this mess. Why did they decide to just kick me out.

"Hindi ka naman totoong anak ng nanay mo! Wala kang namana sa kanila!"

"Ampon ka lang! Hindi ka nila mahal!"

Galit ko siyang tinapunan ng tingin at nilapitan. Nang nasa harapan ko na siya bigla siyang nanahimik at takot na takot na tumingin sa akin. Para siyang nakakita ng multo.

"Ulitin mo pa ang sinabi mo, dadapo itong palad ko sa mukha mo," mariin kong sambit.

Napaatras naman siya. Tumabi siya sa kaibigan niyang walang takot na nakatingin sa akin. Nakangisi lamang siya na tila natutuwa sa nasaksihan.

"Totoo naman ah! Ampon ka lang, Maraya! Hindi ikaw ang totoo-"

Hindi ko siya hinayang matapos. Mabilis ko siyang sinugod at unang tumama sa ilong niya ang kamao ko. Hindi pa ako nakuntento, sinikmuraan ko siya habang sumisigaw ito sa sakit subalit wala ni isang tumulong sa kaniya. Nanatiling nakatayo lamang ang mga estudyante. Bakas ang takot sa kanilang mga mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's The Gangster's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon