Chapter 6

25 27 0
                                    

Chapter 6

"Hey, how are you?" salubong na bati sa kanya ni Kian pagkaupo niya sa isang karinderya. Nilibot niya ang kanyang paningin at nagtatanong ang matang bumaling kay Kian.

'Mayaman naman ang mokong ito ah pero bakit dito niya naiisipan na kumain?' nakakunot na tanong ng kanyang isipan. Si Kian ang unang lalaking nakipagkaibigan sa kanya sa ibang bansa bukod kay Hara at Xiey. Noong unang pasok ko sa paaralan ako yung tipong babaeng mailap at di nagsasalita kung di naman kailangan dahil makulit si Kian palagi siya nitong sinusundan kahit saan man siya magpunta, hindi niya ito pinapansin o sinasagot sa ano mang tanong hindi siya sinukuan ni Kian hanggang sa isang araw habang tumatawid siya sa kalsada hindi niya napansin ang rumaragasang sasakyan muntik na s'ya masagasaan kung hindi dahil kay Kian na mabilis siyang itinulak, ngunit naligtas man siya ni Kian ito naman ang nawalan ng malay dahil sa lakas ng impak ng sasakyan sa katawan isinusugod noon si Kian nanginginig niya itong kinausap hindi niya akalain na kailangan pang masaktan ni Kian upang magising siya sa sarili na walang intensyon ito na masama sa kanya.

"Woman gising! Ang hilig mo talagang mag day dream," iling iling na wika ni Kian na nakatingin ng mariin sa mukha niya.

Inis niyang pinitik ang noo ng kaharap na binata.

"Ouch!" daing nito habang hinihimas ang noo. "Damn Woman sadista ka talaga," pagmamaktol nito sa kanya kaya inirapan na lang niya ito.

"I love this place, ang presko at maganda sa pakiramdam." Inilibot niya ang kanyang paningin sa maliit na karinderya kung nasaan sila ngayon, hindi niya alam kung paano nalaman ni Kian ang lugar na ito sapagkat alam niyang half filipino ito ngunit lumaki naman ito sa U.S kasama ang lola at lolo nito.

"I know." Nilingon niya ang binata na nilapitan ng isang waiter at inibutan ng menu.

"What do you want to eat Ara?" tanong ni Kian sa kanya habang nakatutok pa rin ang tingin sa menu na hawak.

"Kahit ano na lang, hindi ko pa naman alam kung alin d'yan ang masarap eh," tanging sagot niya.

Tumango naman ito at itinuro ang mga pagkain sa menu na gusto niyang orderin sa waiter.

"So," tumikhim si Kian habang nagsisimula magsalita tinaasan niya lang ito ng kilay.

"I know na importante itong pagkikita natin hindi ka naman tatawag at makipagkita sa tahimik na lugar na ito kung mangungumusta lang hindi ba?" nakangising tanong niya dito tumango naman ang binata sa kanyang tanong bilang pagsagot.

"Yeah, You know what is the reason why you choose to comeback here," makahulugan na wika nito, bumuga siya ng hangin. Kian is right lahat nakaplano mula sa pagsakay ng eroplano pabalik dito sa pinas. Ngunit naguguluhan siya sa nais iparating ng binata sa kanya.

"And?" naguguluhan niyang tanong.

"Ang taong pumatay sa iyong ama at ina ay nasa paligid mo lang," matigas na wika nito nanlamig siya sa narinig at nanginginig ang kamay, ikinuyom niya ang kamao.

"Sino sila Kian?" malamig niyang tanong dito nakita niya ang pamumutla ng binata, alam ng binata kung paano siya magalit kung ang usapan ay ang kanyang mga magulang na. Simula ng ilahad niya katotohanan kay Kian nagpasya itong tulungan siya. Si Kian ang nag-train sa kaniya upang maging bihasa kaya ngayon kinatatakutan na din siya ni Kian dahil sa wala akong sinasanto tao kung may kasalanan lang naman.

Alam niya ang hitsura ng mga walang halang na kaluluwa na pumatay sa kanyang ama at ina ngunit tanging si Kian lang ang nakakaalam ng tunay nitong mga pangalan, dahil hindi pa daw yun ang tamang panahon.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "The friend of your ninang and ninong," wika nito.

"W-what ang ina at ama ni Miyuki ang nasa likod ng lahat?" di makapaniwala niyang tanong.

 Deadly Series 1:Deadly YET InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon