MAGKAKAROON ka talaga ng rason kung bakit palagi kang may ganang gumising sa umaga araw araw lalo na kapag gustong gusto mo ang ginagawa mo.
Masaya akong ginagawa ang bawat pagkumpas ng aking mga kamay at kasabay non ang aking mga paa na sumasabay sa nakakaaliw na tutog at magandang pakinggan na musika.
Pagkatapos kong ayusin ang ribon sa suot kong pointe shoes ay tumayo na ako at lumapit sa barre at doon ay gumawa ng ilang basic moves.
Ilang minuto ko pa lang iyon ginagawa ay narinig ko na ang malakas na boses ni Shasean.
"Good morning Niamh, ang aga mo ngayon dumaan ako sa inyo at si Tita na lamang ang naabutan ko doon" sabi niya.
Ipinatong ko ang aking isang hita sa barre bago nagsalita.
"Sabado ngayon at wala na naman akong masyadong gagawin Sha natapos ko na naman ang ating assignment"
"Ay ganon ba? Kung ganon pwedeng pakopya?"
Tumingin ako ng masama sa kanya.
"Sabi ko nga hindi na"
"Dapat gawin mo mag isa, paano ka matututo kung mangongopya ka lang?"
"Eh sa ang hirap intindihin ng Math eh. Ang dami ko na ngang problema tapos magdadagdag pa ng poproblemahin" padabog nyang sabi bago pumunta sa locker nya at inilagay ang kanyang bag.
Napatawa ako sa sinabi nya.
"Tuturuan kita pagkatapos nating magpractice ngayon"
"Talaga?"
"Oo pero syempre may kapalit"
"Ano naman kung ganon?"
"Libre mo ako mamaya sa fishball at kwek kwek doon kina Aling Aseris"
"Sige basta hindi marami ang ilalagay mo sa plastic cup dahil may pinag iipunan akong pointe shoes"
"Oo alam ko naman yun"
"Buti ka pa nga eh bago palang nabili yang sapatos mo"
"Ah ito. Oo bili ni Papa sa Maynila dahil nabigyan sya ng medyo malaking sweldo nya sa pagiging driver"
"Ay nga pala kamusta na ang Papa mo? Diba may lagnat si Tito?"
"Maayos na si Papa siguro sa isang linggo babalik ulit sya sa Maynila" sabi ko pa.
Natigil ang pag uusap namin ni Sean dahil narinig na namin ang boses ni Krasinda kasama ang mga kaibigan nito.
"Good morning Niamh" sabi nito na may halong pang aasar sa kanyang mukha.
"Good morning Krasinda" sabi ko at itinuloy ang ginagawa ko.
"Sa tingin mo talaga ikaw ang magiging center sa group natin? Sa pagkakaalam ko mas marami pa akong experience kaysa sayo sa pagsasayaw kaya wag ka ng umasa na ikaw ang mapipili ni Mommy as the center kasi sa una palang konti lang ang mga alam mong moves-"
"Krasinda sumosobra kana. Oo nga't kaunti lamang ang alam ni Niamh sa mga basic moves pero mas maganda at magaling syang panoorin kumpara sayo"
"Anong sabi mo?-"
"Tama na, hindi naman ako nakikipag kompetensya sayo Krasinda wala naman sa akin kung sino ang center sa grupo basta masaya akong sumasayaw" sabi ko.
Tinaasan ako nito ng kilay.
"Yan ganan dapat babaan mo ang bilib mo sa sarili mo. Sa eskwela palagi kang bida hanggang dito ba naman? Lahat na lang kinuha mo ang atensyon-"
"Kasalanan ba ni Niamh na marami syang talent kumpara sayo? At kung mas sya ang sikat sa school at dito, wala kang magagawa doon"
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 4: ALWAYS
RomanceYou always say give up, sorry pero hindi ko gagawin ang gusto mo. I love you even you hurt me emotionally. You can't stop me....watching you always baby.