The day that started our almost a love story, we met.
_--_--_--
October 5, 1998
"Maaga pa pala."
Sabi ko sa aking sarili ng tingnan ko ang oras sa aking suot suot na relo. Alas-syete pa lang ng gabi, kaya may dalawang oras pa ako para tumambay dito.
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop, pero hindi kape ang binabalikan ko rito, kung hindi ang mga libro nila. This Heaven Shop full of books, kaya its heaven for me. It suited the name in this place. Literal na heaven!
Sino ba naman ang hindi? Kung napakarami ng libro sa paligid!
Gusto ko na lang dito tumira at huwag ng umuwi sa bahay namin.
Araw araw akong bumabalik dito, kung nakapagsasalita lang ang pader, upuan, shelves, 'yong tasa, floor mat, at libro sasabihin nilang sawang sawa na sila sa pagmumukha ko!
Bakit? I'm not what you called pretty or beautiful. Hindi ako kasing kinis, o kasing ganda nang iba in short, I don't deserved a love.
In this society, kung hindi ka maganda, nobody will loves you. Walang love! Mabuti sana kung malaki ang cocomelon, pero hindi parang pasas lang!
Walang ipagpamamalaki, literal na wala.
I'm just smart, pilit pa nga, pero mabuti napilit. May ipagmamalaki rin naman, hindi lang kita, nakatago.
Walang matatawag na beauty and brain, brain lang ang meron.
And I'm outcast, I don't know how to socialize with others, libro lang ang alam kung pagtuunan ng oras. Yes, I don't have a friend, and I'm a loner, not really I have books.
"Wala nang laman," dismayadong sabi ko ng wala na akong mainom na kahit isang patak ng kape. Kahit hindi ako mahilig sa kape, kinahiligan ko na rin it was a perfect pair to drink while reading books, lalo na malamig ang simoy ng hangin ngayon. It was ber months already, kaya maulan at malamig na ang panahon.
Imbes na madepress dahil wala nang laman ang tasa, tinuon ko na lang ang pansin ko sa aking binabasa.
Nasa kalagitnaan na ako nang pagbabasa nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. Nailang naman ako dahil doon.
Ibinaba ko ang librong binabasa ko, inayos ang aking salamin at tumingala upang tingnan kung sino iyon.
'Yon ang pinaka ayaw ko sa lahat ang tingnan ako, istorbohin sa pagbabasa. I was about to open my mouth, para konsensyahin siya pag-iistorbo sa pagbabasa ko . Nang maunahan niya akong magsalita.
"Miss, alis na po kayo magsasara na po kami."
Itinikom ko ang aking bibig, kahit ayaw ko pang umalis ay niligpit ko na ang aking gamit. Itinabi ang libro, at bukas na bukas ay babalikan ko ito upang magtuos na naman kami.
Kung hindi lang talaga alas-nuwebe na nang gabi, andon na eh, konti na lang malalaman na ko na kung bakit hindi pinili ni Andy si Bernard!
Lumabas na ako doon sa Heaven Shop. Tumambad ang maingay na paligid, yapak ng mga tao na kaliwa't kanan na dumadaan sa aking harapan. Maiingay na sasakyan, rinig rin ang boses sa bangketa na kaniya kaniyang sigaw ng kanilang mga paninda.
"Walang mga bituin."
Turan ko sa aking sarili habang nakatingala sa langit, wala naman akong mapagsasabihan, wala naman akong kaibigan, sarili at libro ko lang ang meron ako.