Panalangin

44 3 9
                                    

Masiglang sumasayaw sa malamig na hangin ang apoy ng siga sa gitna ng higit limang taong maligayang nagkakantahan at nagtatawanan.

Nangingibabaw ang tugtog ng gitara

~Sumayaw kasabay ang masaya na tugtugan,~ Masayanh unang birada bg musika. Lahat sila ay nagkantahan sa saliw ng kanta.

~Itaas ang kamay at sabay magtatalunan,~ Sabay-sabay, pare-pareho ng tunog at tono, ngunit sa bawat ngiti ay kakaibang kwento at pasakit.

~Ikaw at ako, parang atin ang mundo,~

Ngunit magkakaiba man, sa tangan na lugar ng bawat isa nagkaroon sila ng palasyong hindi nila aakalaing doon nila matatagpuan.

~Atin ang mundo,~

Sa katauhan ng bawat isa sa kanila nakabuo sila ng mundong kahit sino ay hindi kayang buksan kundi sila lamang.

~Hanggang langit ang ngiti sa 'king labi, sa 'yong tabi, sana ako ay palagi,~

Isang mundong napupuno ng musika, tugtugin, lirika, ay sayaw. Isang mundong binubuo ng mga larangang binubuo ang pagkatao nila.

~Dahil wala nang iba pang katulad mo
Hindi namalayan, bigla na lang,~

Lumakas at nalunod na ng tuluyan ang kanilang mga boses sa hangin, tuloy ang kasiyahan, tuloy ang bawat bigkas, tuloy ang pagtunog ng gitara, tuloy ang pagsaliw ng musika.

~Sumayaw kasabay ang masaya na tugtugan,~

Sa mata ng iba, isa silang salamin ng masaya at nagkakasundonh magkakaibigan, ngunit para sakanila, isa silang pamilya. Sa loob ng musikang ginagawa ng bawat grupo may pamilyang nabuo.

~Itaas ang kamay at sabay magtatalunan,~

Tila nabawasan na ang ningas ng apoy ng kanilang siga ngunit ang saya ay tuloy ang ningas sakanila.

~Sumayaw kasabay ang masaya na tugtugan,~ Nangalunod ng tunay ang ingay ng malulupit na alon sakanilang ingay.

~Ikaw at ako, parang atin ang mundo,~

Siguro'y dahil narin sa nagbabagang kasiyahan ay wala ng alon pa ang makakayang takluban iyon.

~Atin ang mundo!~ Naiiwan ang halakhakan sa pagtatapos na iyon. S'ya namang sunod-sunod at mabilis na pagkaskas ng gitara ang nagtapos sa kanta.

"Kayo naman tumugtog! Ang sakit na ng kamay ko!" Reklamong kinatawanan ng lahat ng kalalakihan sa bilog nilang iyon.

"O'sige Pau ikaw naman! Ikaw nalang hindi pa natugtog!" Mabilis na ipinasa ni Japs ng bandang The Juans ang gitara Sa katabi lamang niyang si Paulo ng grupong SB19.

"Okay," Walang alinlangan naman itong tinanggap ng lalaki. He started to strum the guitar without any particular song.

"Saka ano, chill naman na kanta, 'yung chill na cool naman, kanina pa tayo rakrakan!" Carl Guevara suggested as he drinks the juice on his glass.

"Oo nga, sakit na ng lalamunan ko, ang tamis pa nu'ng juice! Sino bang nagtimpla n'yan?!" Reklamong dagdah ni Justin habang nagtutulak ng kahoy ng kanilang siga,

"Hay naku Jah! Ako na nga, papatayin mo 'yung siga natin!" Josh on the side immediately came up to him to save their source of heat as of the moment.

"Ikaw nagtimpla nu'n Jah, 'wag kang reklamador." Kalmado naman at malumanay na paliwanag ni Chael sa kaibigan.

"Chill song ba kamo? How about, ano, Panalangin? AHS?"

"Ha? RJ ang random naman, bakit biglang naging love song?"

Sanctuary BarsWhere stories live. Discover now