PROLOGUE

3 0 0
                                    

Pinatay ni Leajenlyn ang TV ng matapos ang pang-hapon na drama na sinusubay-bayan niya. Agad niyang tiningnan ang oras at nang makasiguradong alas kwatro na, tumayo siya at nag-ayos ng sarili. Simpleng pambahay lang ang suot niya, gray t-shirt at  shorts na hanggang tuhod niya.

"Sofia!" Tawag niya sa kanyang aso ng hindi niya ito makita sa salas kasama niya. Naglakad siya papunta sa kanyang dirty kitchen at doon niya nadatnan ang kanyang aso. Nakikipag-laro ito sa mga three week old nitong puppies.

"Nandito ka lang pala kasama ng mga anak mo, Sofia." Pa-kausap niya sa kanyang aso tapos ay hinaplos-haplos ang ulo nito. Tumahol ito ng isang beses bilang sagot. Ipinakita niya ang tali na hawak niya.

"Let's go out for your afternoon walk. Don't worry Ate Lorna will keep an eyes to your puppies." Wika niya rito na animo'y sinusigurado ito. Mabilis na tumayo ang aso niya at winagayway ang buntot nito.

Agad naman niyang isinupt rito ang tali tapos ay tyaka lang sila lumabas ng bahay. Nadatnan niya si Ate Lorna, ang nag-iisang kasamabahay nila na nasa 40's, ibinilin niya ang mga tuta rito bago siya naglakad palabas ng kanilang gate at pumunta sila ni Sofia sa park.

Nang dumating sila doon ay marami ng nagla-laro na mga bata at nang makita silang dalawa ni Sofia, nagsi-lapit ang mga ito.

"Hi, Ate Jenly. Hi, Sofia." Bati ng mga ito sa kanila, she sweetly smiled tumahol naman ulit si Sofia bilang sagot nito.

Kumuha siya ng candy sa kanyang bulsa at binigyan ng tigda-dalawa ang mga bata. Tinanggap ng mga ito ang bigay niyang candy at nagpasalamat. Tinggal na muna niya ang pagkakatali ni Sofia dahil gusto itong malaro ng mga bata. Hindi naman iyon problema sa kanya dahil hindi naman dinadala ng mga chikiting ang kanyang aso sa kung saan–saan, isa pa, may tiwala siya sa kanyang alagang aso. Ika nga niya, Humans are smart, but Dogs are smarter. 

Nakihalubilo muna siya sa mga mommy's at yaya's ng mga bata na naka-upo sa lang sa bench na kaharap ang mini playground ng parke. Nakipag-chikahan muna siya sa mga ito hanggang sa mag-alas singko ng hapon at isa-isa na itong nagsi-uwian.

"Bye, Ate Jenly! Bye Sofia, see you tomorrow!" Magiliw na pa-alam sa kaniya no'ng panghuling bata na umuwi. Sakay ito ng cute na cute na bike nito na color pink, may supporting wheels pa ito. Naka-two side ponytail. Hindi lang siya sa bike nito na cute-tan, pati rin sa cuteness na meron ang bata. Gusto niyang pisilin ang magkabilang pisnge nito sa gigil!

Natatawang nagba-bye siya rito, ngumiti kasi ang bata sa kanya, kulang ng isang ngipin ang bata. Agad na tumabi sa kanya si Sofia ng upo. Hinaplos-haplos na muna niya ang ulo nito bago niya napag-desisyunan na ikabit ulit ang tali nito.

Hindi pa naman sila uuwi, sadyang nakasanayan lang talaga niya dahil baka may biglang kumidnap sa alagang aso niya. May nangunguha daw kasi ng mga aso rito sa loob ng village nila, ang punterya daw ng mga dognapper na iyon is iyong mga asong inaalagaan talaga ng mga taong nakitara sa loob nitong village.

Wala pa namang patunay na meron ngang dognapper, nag-iingat lang naman siya, syempre preventions is better than cure.

"Wuy, Leajenlyn!" Napalingon siya sa may gilid niya ng may tumawag sa kaniya.

"Oh, Sandra, 'kaw pala." Wika niya. Ngumiti lang ang kaibigan niya sa kaniya tapos ay umupo katabi ni Sofia, pinagi-gitnaan nilang dalawa ang kanyang aso.

"Buti at okay ka na mula sa panganganak mo, Fia." Kausap nito sa kanyang aso. "Last two weeks pa siya na–okay mula sa panganganak, Sadyang ngayon ko lang siya na ilabas dahil na–busy ako sa pagbabasa sa librong pinahiram mo."

Malakas na tumawa naman ang kaibigan niya dahil sa kaniyang sinabi. "Ano, natapos mo ba?" Tanong nito. Nakayuko siyang tumango.

Natapos niya at nagustuhan niya ang takbo ng kwento sadya nga lang masyadong maraming matured scenes. She cleared her throat.

TRAINED AND TAINTED Where stories live. Discover now