prologue

6 0 0
                                    

Dahan dahang kong iminulat ang mga mata ko na para bang matagal itong nakapikit kaya hirap akong imulat ito. Sa unang pagbukas nito ay malabong puting imahe ang bumungad sa akin at habang tumatagal ay palinaw ito nang palinaw ganon din ang boses ng isang babae.

"Darrah?" Tawag sa akin ng isang babae. Blanko ko siyang tinignan, at ini focus ang mga mata ko, napansin kong namumugto ang mga mata niya sa pag-iyak at halata mong wala pa siyang tulog dahil sa itim sa ilalim ng mga mata niya.

"Darrah can you hear me?" Halos papiyok na sabi niya sabay hawak sa balikat ko.

Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko nang marinig ko ang boses niya. Wtf!

"Are you alright? Nurse! Nurse..." Nagpapanic na sabi niya.

Pagmulat ko ng mata ko nakita kong umiiyak yung babaeng unang bumungad sa akin kanina habang nakayakap siya sa isang lalaki at para bang pinapatahan siya. Hindi ko alam pero parang biglang may kumirot sa puso ko habang nakikita siyang nahihirapan at umiiyak.

"She's awake!" Sabay lapit sa akin ng isang batang babae.

Tinignan ko siya at pilit inaalala kung sino siya.

"Ate can you see me?" Nag aalalang tanong niya. Of course, I can see her, I'm not blind, but I don't know who the hell is she.

"Who are you?" Namamaos na sabi ko. Nagulat siya sa itinanong ko at agad tinignan yung babae't lalaking ngayon ay nakatingin sa akin.

"Darrah can't you recognize us?" Tanong sa akin noong lalaki? Matagal ko siyang tinitigan at pilit inaalala kung sino siya.

"Dria call the doctor." Utos noong babae sa batang babaeng Dria ata ang pangalan. Kaagad binaling sa akin ng babae yung tingin niya at nag-aalalang lumapit sa akin.

"I'm sorry but who are you? Did you know who I am?" Naguguluhang tanong ko.

"Oh God!" Narinig kong bulong noong lalaki at napasapo sa kaniyang mukha.

"We are your parents and you're Darrah." Naluluhang sabi noong babae.

"Darrah?" Is that my name? Napailing ako. It doesn't feel right.

+++

"Darrah! Darrah! Wake up!" Gising sa akin ni Mommy.

Napasapo ako sa noo ko ng magising sa panaginip ko, pawisan ang mukha at leeg ko dahil sa panaginip na iyon.

"You're dreaming again." May pag-aalala sa boses niya.

"Yeah!" Hinihingal na sabi ko.

"Are you okay?" Kunot noo niya akong tinignan at hinawi pa ang mga buhok sa mukha ko, inabutan niya rin ako ng isang basong tubig at kaagad ko naman iyong ininom. Parang tuyong tuyo ang lalamunan ko dahil sa panaginip kong iyon.

"Yeah. I'm good." Sabay punas ko sa pawis ko. Ngumiti si Mommy nang marahan, halatang puyat siya at namamaga na naman ang mga mata niya dahil sa magdamag na pag-iyak.

"Mag-gayak ka na baka mamaya ma-late ka pa sa first day of school mo." Isang tango lang ang ginawa ko.

Tumayo na si Mommy at nagtungo sa pintuan pero bago pa siya lumabas ay isang nag-aalalang tingin pa muna ang binigay niya. Napabuntong hininga ako at tinanguan siya para siguraduhing ayos lang talaga ako.

Isang mamalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago pa ako tuluyang tumayo para mag-gayak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon