Prologue

5 1 0
                                    

Ang simoy ng hangin ang aking unang naramdaman ng mag mulat ako ng aking mga mata. Doon ko lang napansin na Wala ng kakaibang pangyayari sa aking mga panaginip. Taon na pala Ang lumipas simula Ng mangyari sa akin Ang mga bagay na Hindi maipaliwanag Ng mga tao. Nagising na lamang ako sa isang kwarto na may Amoy Ng mga ibat Ibang kemikal at Doon ko napagtantong nasa isa akong hospital . Ang sabi nila ay Hindi na ko gumising Mula Ng mahulog ako sa isang bangin Ng Ang baba ay karagatan.

Bumangon na ako sa aking pagkakahiga , dumeritso sa banyo at naghilamos ng mukha. Gusto kong ikwento sa iba Kung anong nangyari sakin ngunit walang naniniwala .Maraming nagsabing imahinasyon ko lang daw Ang nangyari ngunit may parte sa akin Ang naniniwala na yun ay totoo . Nag sepilyo na rin ako at naligo . Hindi ko alam Kung ano Ang aking paniniwalaan naguguluhan ako sa mga sinasabi nila , kaya mas pinili ko na lang na manahimik at kimkimin Ang mga kwento ko sa aking sarili. Nang matapos ako sa aking morning routine ay bumaba na ako sa aking kwarto. At umupo sa hapagkainan.

Hindi ko namalayan na kinain na ako ng pag iisip ko
"Lana ,kumain ka na"
Doon lamang ako nakabawi sa pag katulala . At sinimulan ko ng kumain
"Lana , Kung Hindi mo pa kaya wag mong pilitin maging masaya" wika ni mama
Isang pilit na ngiti lamang Ang aking sinagot .
Dahil gaya Ng iba alam kong Hindi rin ako paniniwalaan ni Mama
Tumayo na ako at nagpaalam .

"Papasok ka na ba?"
Isang tango lang Ang bibigay ko sa aking ina
Nagsimula na akong maglakad patungo sa sakayan Ng jeep . Ibang Ibang Lugar Ang meron Dito kumpara sa nasa mga pangyayaring gusto kong balikan .Mga punong kahoy na Kay taas at luntiang kapaligiran . Kung saan ko laging nakikita Ang lalaking minahal ko sa mga panaginip ko . Nakakatawang isipin ngunit nagmahal ako ng nilalang na Hindi ko man lang malaman kong totoo bang nasa ating Mundo

Hindi ko napansin na may sasakyan Ng tumigil sa aking harapan

"Miss sasakay ka ba" Ang naiiritang wika Ng drayber

Hindi na ako sumagot ngunit dali dali akong sumakay sa jeep

Tahimik na ako dati ngunit mas tumahimik ako matapos Ang ilang pangyayari .


Nakarating na ako sa paaralan , habang naglalakad ako ay Hindi ko maiwasang makarinig Ng mga bulungbulongan tungkol sa akin . May nagsasabing nababaliw na daw ako . Pinagsawalang bahala ko na lamang ito . Nang makapasok ako sa aming silid aralan biglang tumahimik Ang mga ito .Naglakad na lamang ako patungo sa dulong parte Ng aming classroom at naupo sa silyang malapit sa may bintana. Nang makaupo ako ay bumalik muli Ang ingay sa loob.

Hindi ko namalayan na dumating na pala Ang aming guro .Kaya pala biglang tumahimik Ang aming classroom. Binati ito Ng mga kaklase ko , Hindi na ako nag aksaya Ng oras para bumati dahil Hindi naman iyon mahahalata. Nagsimula Ng magturo si Ms.Cruz .At tumingin lang ako sa labas Ng bintana,
Nasaan ka na ba ?tanong ko sa aking isipan .Sa mga luntiang dahon naaalala kita , nahihirapan na ko .Muntik Ng tumulo Ang mga luha ko .

Ngunit biglang tumunog Ang bell Ng paaralan hudyat na oras na ng recess . Dumaan na naman Ang isang subject na iisang tao lang Ang tumatakbo sa isip ko

Mas pinili ko na lamang na manatili sa aking upuan at huwag Ng lumabas . Dahil Hindi ko rin naman gustong nakikisalamuha sa Ibang tao . Napagdesisyonan ko na lamang na makinig Ng kantan sa aking cellphone at nagsuot Ng headset. Pinikit ko Ang aking mga mata at dinama Ang magandang musika.

"Lana, Lana tapos na Ang recess"
Isang tinig na gumising sa akin
Si Kristen isa sa mga kaklase kong natatandaan ko Ang pangalan .

Nakinig na lamang ako sa aming guro at pinalipas Ang maghapon ko katulad Ng dati Ang maging tahimik at huwag makipag usap sa iba . Isa isa Nang nagsisiuwian Ang mga kaklase ko . Kaya Naglakad na ako palabas Ng classroom at napagdesisyonan kong maglakad na lang pauwi dahil malapit lang naman Ang bahay namin.

Wala akong kapatid , Wala rin akong ama . Tanging si mama lamang Ang meron ako . Kamusta na kaya sya , anong nangyari sa kanya . Nakikipag habulan parin kaya sya sa mga kuneho. O totoo ba talaga na nakilala ko sya .Basta Ang alam ko nandito sya sa isip ko Hindi mawalawala . Kung Hindi ba ako nagising kasama ko parin sya at nabubuhay sa imahinasyong ginawa ko lang daw sabi Ng mga Doktor at espisyalistang tumingin sa akin.
Ang luntiang mga mata nya , singkit na mga mata , maputing balat na pag naaarawan ay mistulang diamante na kumikinang at Ang labi nyang mapupula.

Sa pag iisip ko Hindi ko namalayan na may nabunggo na ako .

"Pa-pasenya n-na" Tumingin ako sa luntiang mga mata neto . Mabilis itong Naglakad palayo .
Hindi ako pwedeng magkamali kamukha nya
Si s-si Draven
Inipon ko Ang boses ko at sumigaw

"Draven"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In my DreamsWhere stories live. Discover now