Chapter 1 -unling kilig

93 8 0
                                    

Jackie's Pov

"Ba't ka natatawa?" Tanong nya sabay tapat sakin ng mic

"Masaya lang ako, kasi.... Terno tayo eh" naka ngiting turan ko. At pinasadahan naman nya ng tingin yung suot namin

"Tinernuhan moko?"

"Oo namiss kasi kita, wala ka kasi kahapon. Sayang nag lemon pa naman ako" sabi ko sabay ngiti

"Nag lemon sya for you sizzt" singit naman ni ate anne. Pero di sya pinansin ni vice

"Totoo namiss moko?" tanong nya

"Oo ayaw moba?"

"Jackie...... Tama na jackie, Tama na! Biruan lang naman to diba?"

"Sa tingin moba nagbibiro ako?" sagot ko na ikinaingay ng madla

---

"Alam mo gusto kong--
Gusto kong ipaalala sa sarili ko lagi. Na biruan lang ito, hindi to totoo umaarte lang tayo, kasi natatakot nako!" pinasadahan naman nya ako ng tingin na para bang nalilito.

"Kasi pag wala kana  tas iniisip ko yung mga biruan natin dito, parang totoo na. Kaya jackie favor naman oh!"

"Ano yun vice?"

"Sabihin mo sakin biruan lang lahat ng to"

"Kung sa biruan na yun, nag kakasiyahan tayo. Bakit mo naman pipigilan?"

(Insert by djmod "ako ay nagbalik")

"Okay lang naman na masiyahan tayo eh, ang nakakatakot kasi, baka maniwala ako. At pag naniwala ako baka hanaphanapin ko, at kapag hinanap hanap ko. Baka kagiliwan ko. At kapag nangyari yan jackie baka mag bago ako."

"At pag nagbago ako, at ginising mokong biruan lang lahat ng ito. Diba kawawa naman ako jackie?"

"Wag kang mag alala sasamahan kita sa pagbabago mo"

(Insert "kiss me" by dj mod)

"Grabe na yung mga sinasabi nyo sa isa't isa ah! Kaya nyo bang panindigan yan ha? Kaya?" sabi naman ni ate anne pero di sya pinansin ni vice

"Yung namiss yung sinabi mong namiss. Totoo yun o biro?" tanong ni nya sabay ngiti

"Totoo yun" walang pag aalinlangan kung sagot. Totoo naman kasi namiss ko sya.

"Pano mo na sabing namiss moko?"

"Hindi pa ako pumapasok iniisip na kita eh" umiling iling naman sya habang kinikilig, kaya napangiti ako

"Jackie joke yan! Jinojoke moko"

"Hindi ako nag jojoke"

"Namiss moko?"

"Oo"

"Excited kang pumasok para makita ako?"

"Oo naman"

"Kiss mo nga ako" napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Kasi ako, ngayon araw na papasok ako tas alam kong makikita  kita. Natatakot ako eh. Diko na kasi alam kung ano yung totoo! Biruan bato o totoo?"

"Ano bang sinasabi ng puso mo?"

"Yun nga jackie, naguguluhan nako kasi nga alam kong bakla ako pero parang bakit gusto kita?!!" gigil na saad nya na lalo kong ikinagulat.

"Parang mali na hindi ko alam, parang mali pero ayokong itama. Pero parang tama pero ang sarap kasi parang mali parang- magulo pero gusto ko"

"Okay lang naman yun vice eh, masayang ngang tignan. pareho tayong naka pink, masaya tayo. ayaw moba ng ganun?"

In another lifeWhere stories live. Discover now