Chapter 1: The Encounter

4 0 0
                                    

"Tapos na kayo sa thesis n'yo?"
Tanong ni Claire habang umuupo sa may harapan ko, breaktime ngayon, pero marami pa kaming kailangang matapos sa mga subjects namin.

"Hindi pa nga eh, pinaparaphrase pa ni Gian 'yung part n'ya, kayo ba?" Tanong ko habang binubuksan ang baon kong kanin.

"Pinacheck na namin kay sir Arthur para sa mga grammar." Tugon n'ya.

"Pa'no n'yo magawa agad?" Curious kong tanong.

"Bago kami gumawa, pinagpepray muna namin na bigyan kami ng kalakasan, at talino and all things will just flow smooth." Sambit n'ya na tila punong puno ng pag asa.

How can I do that, ni hindi nga ako marunong magdasal, nakakapagod na rin ang maglead, nakakapanghina. Bulong ko sa sarili ko

"Tanong ko lang, libre ka ba bukas?" Claire.

"Bakit? Marami pa kasi ako gagawin eh. Saka baka hindi ako payagan ni Mama." Tugon ko at tinuloy ko na ang pagkain ko.

Buong buhay ko ito ang set up ko, school, bahay, school bahay. Nasanay na lang din ako.

"Edi ako ang magpapaalam sa mama mo."

"Sigurado ka? Masungit 'yun, saka kailangan ko pa tapusin 'yung last chapter sa'min." Sambit ko.

"Oo, sure ako, saka si Lord na bahala, saka alam kong matatapos mo agad 'yang research n'yo."

"Sige."

-

*Ting*

Pagbukas ko ng phone nakita ko ang text ni Claire na "papunta na'ko sa inyo, ako na magpapaalam kay tita."

Nanlaki ang mata ko bukod sa hindi pa'ko tapos sa thesis ay 'di ko inakalang itutuloy ni Claire ang balak n'ya.

-

"Tao po," "dianne?"

Binuksan ko ang pinto, si Claire na may malapad na ngiti, hindi ko alam sa'n n'ya kinukuha 'yung lakas ng loob n'ya at saya, ako halos magahol-gahol sa mga paper works ko.

"Pasok ka, tawagin ko lang si mama, sorry kakaligo ko lang rin."

"Sure."

"Upo ka lang dyan saglit"

"Tinawag ko si mama para magpaalam na gusto akong isama ni Claire."

-

"Ano? Sa'n kayo pupunta? Sino kasama mo? Ano gagawin n'yo?"
Sunod sunod na tanong ni mama sa'kin, paglabas namin ng kusina tumayo si Claire at agad na lumapit kay mama para magmano."

"Hello po tita, nice to meet you po, ako po si Claise kaibigan ni Dianne." Sambit n'ya na may malawak na ngiti.

Tinitigan ko ang reaksyon ni mama, unti unti itong napangiti.
"Iha saan ba kayo pupunta? Kumain muna kayo bago umalis." Sabi ni mama nang may mahinahon na tono, this is the first time I see her smiling to other people, usually kasi poker face ang mukha n'ya sa iba.

"Aayain ko lang po sana si Dianne sa church, may event po kami, hindi na rin po kami magtatagal ni Dianne isang oras na lang po at magsisimula na 'yung event."

"Sige mag-ingat kayo."

-

Habang naglalakad ay tinanong ko si Claire kung ano ang ginawa n'ya at napapayag n'ya si mama.

"Simple lang, pinagpray ko muna bago ko pumunta sa inyo at nginitian sya." Sagot nito.

-

Pagpasok ko sa loob ay maraming tao at masaya sila, umupo ako at nagpakilala na 'yung nagsalita.

May nakalagay sa malaking screen na "Jesus," hindi ko alam magiging reaksyon ko dahil matagal na rin nang mawala ang saya sa mga labi ko.

"Did you know that someone is praying for you? That someone kneel before God for your salvation, for your healing, that someone ay hindi napapagod na banggitin ka sa Panginoon."

"That is why you are there sitting and listening to me."

"Alam kong marami ka ngayong iniisip, paperworks, assignments, projects, pero gusto kong kalimutan mo muna ang mga alalahanin mo sa buhay, may gusto lang akong ipapanood sa inyo." Sambit nito.

Tahimik ang lahat na nakikinig sa kanya, pinlay n'ya ang video.

-

Ilang minuto pa ang lumipas ay ramdam kong tutulo na ang mga luha ko.

"Hayaan mo lang na ang mga luha mo ang magsalita para sa'yo." Sambit ni ate na nasa harap.

"Alam ni Jesus na pagod ka na."

"Alam ni Jesus ang hirap at sakit na nararamdaman mo."

"Nakikita N'ya ang mga pagod mo."

"Hayaan mong kunin ni Jesus ang lahat ng bigat na 'yan."

Nanginginig ang tuhod ko, ilang segundo lang ay naramdaman ko nang lumuluhod ako, hindi ko akalain na iiyak ako ng ganito, naramdaman kong may yumakap sa'kin, naramdaman ko ang peace, love and hope, narinig kong binulong nito, "Jesus loves you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Geat LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon