Prologue

362 12 5
                                    



Napangiwi ako ng bigla kong narinig ang sobrang lakas na sigawan sa labas ng palasyo ng bayan namin. Sobrang daming taong nagkukumpulan at nakikipagsiksikan para makalapit sa palasyo.

"Mag-ingat po! Huwag po kayong manulak!" Sigaw ni Ate na siya namang nanunulak sa mga nasa unahan niya.

Nandito ako sa medyo malayo sa palasyo at kahit malayo na ako, abot pa rin ang tao hanggang dito. Uminom ako ng tubig at tyaka pinanuod ulit ang mga nagsisiksikan.

"Tahimik muna!" Napatingin ako sa palasyo ng may sumigaw noon sa microphone. Syempre hindi ko makikita kung sino. Sobrang layo ko nga dba? "Mga mamamayan ng Edille Kingdom, maghanda kayo dahil isa sa mga araw ng linggong ito ay mamimili ang mahal na hari at mahal na reyna ng bagong tagapagmana ng palasyo."

Pagkasabi noon, bigla na lamang nagsigawan lahat.

Ako si Leah Ferrer, isang estudyante sa Stanwood University. Naninirahan ako sa isang bayan na kung saan pinamumunuan ito ng Hari at Reyna. Wala silang naging anak at usap usapan sa bayan na nasa malubhang kalagayan na ang reyna at kailangan daw maipasa ang trono bago ito mawala.

Syempre, halos lahat ay inaasam ang tronong iyon maliban sa'kin. Hindi ko kasi trip yung mga ganung bagay. Yung mamumuno ka ng isang lugar at lalo pang wala ka namang kaalam alam sa mga ganun kaya ipapaubaya ko na lang sa kanila.

Umalis na ako sa lugar na iyon at sinabit ang isang strap ng bag ko sa balikat ko.

"LEAH! LEAH!" Hindi pa nga ako nakakalayo may tumawag na agad sa'kin. Lumingon ako para tingnan kung sino yun.

"O Alex, Anong ginagawa mo dito?" Si Alexander Jay Dela Cruz. Kababata ko yan slash kaklase forever. Hindi pa kasi kami naghihiwalay niyan simula Kinder kaya kami lang ata ang may forever. Forever magkaklase.

"Samahan mo muna ako!" Hindi pa ako sumasagot, hinila niya na agad ako. Ganyan si Alex kaya palagi kaming inaasar na destiny na daw kami. Napapailing na lang ako at oo nga pala! Varsity si Alex ng Stanwood University at matinik yan sa chiks! Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganun kagwapo. Parang maapil lang. Ganun.

Hila pa rin siya ng hila at hindi ko alam kung saang lugar kami mapapadpad.
"Hoy Alex, saan ba talaga? Niloloko mo ba ako?" Hindi niya ako pinansin at hinila pa rin.

Ang tagal naming naglalakad hanggang sa nakarating kami sa condo niya.
"Tulungan mo ako." Abot tenga yung ngiti niya ng sinabi niya iyon. Nakakakaba naman ang mukha ng kulugong to.

"Ano naman yun?" Umakyat kami sa kwarto niya at alam niyo kung ano ang tulong?

"Tulungan mo akong magbuhat ng gamit ko hanggang sa bahay ng parents ko. Pleaaaaaaase."

"Aba. Gentleman ka din ano?" Tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan niya lang ako. Kainis! Bakit sa iba kapag tinaasan ko ng kilay, tatahimik na lang agad. Asar naman e!

Nagulat ako ng bigla niya nlang hinagis yung isang bag at muntik ko pang hindi masalo.

"Hayop ka talaga Alexander!" Tumawa lang ulit siya! Nakakainis!

Naibaba na namin lahat ng bag niya sa condo niya at nag aabang na lang kami ng taxi pero walang dumadaan.

"Teka nga. Buhatin mo muna to. Maghahanap lang ako ng taxi." Binigay niya sakin ang isang bunto ng bag. Ang bigat huh!

Umalis nga siya at iniwan ako dito. Grabe naman ang lalaki ito! Napakadaming gamit!

Bigla ko nlang naramdaman na may humawak sa medyo pwet ko kung saan nandoon ang phone ko.

"Hoy!" Nakita ko ang isang batang pulubi na nakalahad ang kamay sakin. Binaba ko muna lahat ng gamit ni Alex. Bahala siyang madumihan yun.

Kumuha ako sa bulsa ko ng pera at inabot ko sa kanya. "Ipangbili mo to ng pagkain ha. Huwag kendi o junk food! Pagkain. As in kanin at ulam ha? Kumain ka."

Kinuha niya iyon at tumakbo. Pupulutin ko na sana ang mga bag ni Alex ng may nagsalita sa likod ko.

"Salamat." Nakangiting sabi ng isang lalaki na sobrang dumi ng damit. Napatingin ako sa hawak niya at iyon ay yung batang binigyan ko ng pera. "Thank you so much. Napakabuti ng puso mo at dahil sa ginawa mo, ikaw ang napili ko."

Nalito ako sa sinabi ni Kuya. "Ha? Ano pong napili?"

Tinanggal niya ang buhok niya. Teka, buhok? So wig lang yun?! Pagkatapos inalis niya yung mga dumi sa mukha niya.

Napamulat ang mga mata ko at hindi magproseso sa utak ko ang nangyayari ngayon.

"Mahal na Hari!" Sigaw ko at nagbow sa unahan niya.

"Ikaw na ang napili kong tagapagmana ng palasyo."

"PO?!" Kasabay noon ang pagdating ni Alex.

"Leah, tara na!"


The Chosen PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon