Chapter 4: The Chaos

99 6 0
                                    

"Kailangan natin 'yun!" Pagdepensa ni Mommy. Hindi ako makapaniwalang tinanggap niya 'yun. "Hindi mo ba alam na bumabagsak na ang negosyo natin! Ang dami ng utang ng kompanya natin kaya nga wala ang Dad mo dito! Malaking tulong 'yun sa buhay natin Leah."

"Pero Mommy.."

"Oo, alam kong nakakahiya at hindi ko ugaling tumanggap ng ganoon kalaking halaga pero hindi ko naman hahayaang mabaon ang pamilyang 'to sa utang. Hindi ko naman hahayaang mawalan kayo ng karapatang magkaroon ng komportableng buhay."

Hinilamos ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi sa'kin ngayon ni Mommy. Hindi ako makapaniwalang tinanggap niya 'yun.

"My, hindi 'yun kaunting pera lang! Malaking halaga 'yun!"

"Alam mo Leah, hindi porket naging prinsesa ka, hindi porket masarap ang buhay mo sa palasyo, may karapatan ka ng makielam sa mga desisyon ko! Oo, ikaw nagpapakasarap ka doon. Paano naman kami ng kuya mo?!"

"Ano bang-?!"

"Kung alam ko lang na magkakaganyan ka, hindi na sana ako pumayag sa alok ng hari. Akala ko deserve mo yang kung nasaan ka ngayon pero nagkamali ako. Hindi ko pa rin pala kilala ang totoo kong anak."

Umalis si Mommy sa harap ko at naiwan akong mag-isa dito sa kitchen. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko pero hindi ko kaya. Unang beses akong nasabihan ng mga ganoong bagay ni Mommy at sobrang sama sa pakiramdam. Para akong may mabigat na dinadala at hindi ko maalis. Inayos ko muna ang sarili ko at tyaka nagpaalam na ako kay Kuya at umalis na kami.

Habang nasa sasakyan kami, ang daming sinasabi ni Prince Kyle pero kahit isang salita, walang pumasok sa utak ko. Parang paulit-ulit na nag-p-play sa utak ko ang mga salitang sinabi sa'kin ni Mommy. Bakit ganoon? Wala naman akong masamang intensyon. Ang sa'kin lang naman, 'yung dignidad at pride ni Mommy. 500 million pesos? Siguro kahit sino tatanggapin ang alok na 'yun at alam kong hindi isa sa mga taong 'yun si Mommy kaya sobrang bigat sa pakiramdam. Kilala ko siya e. Hindi siya ganoong tao. Hindi mahalaga sa kanya ang pera.

"Hindi muna ako a-attend ng class ni Miss Pressy." Tumango lang si Prince Kyle habang papasok kami ng palasyo. Gusto ko lang mapag-isa ngayon kaya agad akong pumasok sa kwarto ko.

Pagkasaradong-pagkasarado ko ng pinto, bumuhos na lahat ng luhang kanina ko pang pinipigilan. Sobrang bigat sa dibdib. Kinuha ko agad ang phone ko. Kailangan meron akong mapagsabihan nito kung hindi, mababaliw ako.

Hello?

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses niya.

"Alex.. please pumunta ka dito sa palasyo."

May problema ba? Kailangan bang ngayon na talaga? Nasa match ako Leah pero kung gusto mo pupunta agad ako diyan pagkatapos nito. Napatakip ako sa bibig ko para hindi niya marinig ang pag-iyak ko.

"Ookay lang Alex. Galingan mo ha! Alam kong kaya mo yan." Pinatay ko na agad ang phone ko pagkatapos kong sabihin 'yun.

Pinunasan ko muna ang luha ko at huminga ng malalim. Dumiretso ako sa banyo ng kwarto ko at nagbabad sa bathtub. Siguro tubig lang muna talaga ang makakapagpasaya sa'kin ngayong gabi. Pinikit ko ang mga mata ko at walang ibang inisip.

Bigla akong nagising ng may marinig akong katok kaya agad akong tumayo at tyaka naglagay ng bathrobe. Lumabas ako ng pinto ng banyo at nakita ko si Alex sa may balcony na halatang galing sa match. Nakakatawa siyang tingnan dahil alam mong nag-effort talaga siyang pumunta dito. Sobrang gulo ng buhok niya at pawisan tapos nakasabit sa kanang balikat niya ang bag niya, may medal pa sa leeg niya at may dala dala siyang trophy at pizza. Binuksan ko ang pinto sa balcony at sinalubong niya agad ako ng yakap.

"Sobra akong nag-alala sa'yo."

Napangiti ako ng maramdaman kong may taong nagbibigay ng halaga sa'kin.

"Thank you Alex. Thank you dahil nandito ka pero mas mabuti pa kung magshower ka muna ng konti? Kadiri e." Ngumiti ako sa kanya at tyaka siya tumawa.

"Sorry." Binitawan niya muna lahat ng dala niya at tyaka pumasok sa banyo.

Saktong pagpasok niya sa banyo, bigla na lang may kumatok sa pinto kaya nagulat ako at dali-daling tinago sa ilalim ng kama ang mga gamit ni Alex. Tumakbo ako papuntang banyo at tyaka binuksan ang pinto para makita ang walang damit na si Alex. Nakita ko pa ang paglaki ng mata niya ng bigla na lang ako pumasok.

"Leah, anong gina-?"

"Shh. Huwag kang maingay dito sa loob huh!" Lumabas na ako ng banyo at tyaka pinagbuksan ang tao sa labas ng kwarto ko.

"Good evening Ma'am! Sabi po ng mahal na prinsipe, dalhin na lang daw po namin ang dinner niyo dito sa kwarto." Nilagay nila ang pagkain sa center table at mabilis na bumalik sa labas ng kwarto. "Enjoy po!" Sabay na nag-bow sina Ate Lianne at Ate Krista sa'kin at ganoon din ang ginawa ko.

"Thank you!" Agad kong sinarhan ang pinto. Kumatok ako kay Alex at sinabing pwede na siya maligo. Humiga muna ako sa kama habang hinihintay siya at hindi nagtagal, lumabas siya ng naka-white shirt at black shorts lang.

"Kamusta naman abs ko?" Natatawa niyang tanong habang lumalapit sa'kin.

"Alex, pwede ba? Tama na please. Solid pa rin yang 1 pack ab mo!"

"Hard mo sa'kin ha pero akala mo makakalusot ka? Bakit ka umiyak?" Napailing na lang ako. Kilalang kilala na talaga ako ng lalaking 'to. Wala na ata akong masisikreto sa kanya. Kahit ata brand ng napkin ko, alam nito e!

Kinwento ko sa kanya ang nangyari kanina at ayan, umiiyak na naman ako ng maalala ko 'yun. Walang ibang ginawa si Alex kung hindi i-comfort ako at kapag tumitigil ako sa pagkkwento, lagi niyang sinasabi, "Ituloy mo lang. Nandito ako, makikinig lang ako sa'yo."

"First time.. First time 'yun sinabi sa'kin ni Mommy at hindi talaga ako makapaniwala."

"Babe, baka nam- Ouch!" Hinimas niya ang ulo niya matapos ko siyang sapakin. "Sige na nga. Leah, BESTFRIEND ko," Napangiti ako ng diniin niya talaga 'yung BESTFRIEND. "Siguro may something na hindi mo alam at ayaw nilang ipaalam sa'yo. Dba alam mo namang hindi ganoon si Tita dba? Sabi nga nila, everything happens for a reason at hindi niya naman tatanggapin 'yun kung walang rason."

"Ano nga yung rason na 'yun?!"

"You know, stop overthinking. Whatever that reason is, I'm sure you'll know it in the right time. For now, i-celebrate naman natin ang victory namin." Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko sa sinabi ni Alex. Nakalimutan ko. Pakiramdam ko ang selfish ko na masyado kay Alex.

"Thank you Alex for being there with me all this time and I'm sorry." Tinap niya lang ang ulo ko at tyaka niya binuksan ang box ng pizza. "Teka, paano ka nga pala nakapasok?!"

"Ninja moves, babe. Este, BESTFRIEND."

The Chosen PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon