Chapter 2: Being a Princess

147 8 0
                                    


Kasabay ko ang Hari ng umuwi kami sa bahay namin. Hindi makapaniwala si Mommy na nasa mismong bahay namin ngayon ang mahal na hari. Sinabi ng Hari na iwanan muna daw silang dalawa kaya nandito kami ngayon ni Alex sa garden. Si Kuya, hindi pa umuuwi.

"Prinsesa ka na." Ngumiti ng mapait sa'kin si Alex.

"Ano ka ba Alex! Ako pa rin 'to no! Dba forever nga tayong magkaklase." Sabi ko naman sa kanya pero hindi yung malimit na ekspresyon ng mukha niya ang pinakita niya sakin ngayon dahil malungkot pa rin ang mukha niya.

"Pero hindi na natin pwede gawin ang mga ginagawa natin dati. Hindi na kita pwedeng makasama kahit na anong oras na gusto ko, hindi na kita pwedeng yakapin, hindi na kita pwedeng makausap kahit kailan ko gusto, hindi na kita pwedeng batukan, hindi na kita pwedeng tawagan gabi gabi, hindi na kita makakasama palagi. Iba na ang buhay mo, Leah." Malungkot niyang sabi sa'kin.

"Ang drama nito! Ako pa rin 'to! Pumunta ka sa palasyo kahit kailan mo gusto! Tawagan mo lang ako palagi! Tyaka lagi naman tayong magkasama sa school. Parang nag iba lang ako ng bahay pero ako pa rin to, Alex." Tumayo siya at lumapit sa'kin. Tumayo rin ako at niyakap siya. "Hindi naman ako magbabago Alex. Nandito pa rin ako lagi, okay?" Naramdaman kong hinigpitan ni Alex ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Mamimiss kita."

"Ang drama!" Saway ko sa kanya at tyaka kami kumalas ng yakap. "No matter what happens, may forever pa rin tayo." Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya.

Aaminin ko man o hindi, tama si Alex. Maraming magbabago sa buhay ko. Magiging iba na ang takbo ng buhay ko. Magkakaroon ng limit ang galaw ko. Hindi na katulad ng dati na plain lang. Ngayon may kasama ng pagiging prinsesa. Magbabago ang buhay ko pero kahit kailan, hindi magbabago ang pagiging isang Leah Ferrer ko.

"Dito ka muna matutulog Leah. May ipapaiwan akong palace guards kaya siguradong ligtas ka dito. Maraming salamat Mrs Ferrer." Nakipagkamay ang hari sa reyna at tyaka siya umalis.

Ang tagal pa naming nagkwentuhan ni Alex bago niya napasyahang umalis. Humiga agad ako sa kama ko pagkaalis ni Alex. Hindi ako makatulog. Tuwing pipikit ako, maiisip kong prinsesa na nga ako.

Ilang oras din siguro akong nagpagulong gulong sa kama. Parang shunga lang. Kinuha ko phone ko at nagbukas muna ng twitter. Napangiti ako ng makita kong puro pagbati ang laman ng notifications ko. Walang negative tweets. Yung mga namumukhaan ko lang sa school, binati din ako.

Iba talaga kapag isa ka ng prinsesa. Syempre halos lahat ay dedepende na sa'yo. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Parang naeexcite na kinakabahan na ayoko na gusto na ewan.

Bumaba muna ako. Kumuha ako ng baso at tyaka binuksan ang ref para maghanap ng pwedeng mainom. Yumuko pa ako dahil nasa pinakadulo ang gatas at pagtayo ko, nagulat ako ng makita ko si Kuya na sobrang gulo ng buhok at humihikab pa.

"O anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng gatas.

"Bawal na ba akong pumunta dito?" Sagot naman niya. Kumuha siya ng chamito sa ref (nakakahiya mang aminin pero favorite niya ang chamito)

Pagkakuha niya, naglakad na siya papuntang living room. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nag sign siya sa'kin na pumunta daw doon.
Tinabihan ko si Kuya habang nakatitig kami sa reflection namin gamit ang tv.

Tahimik lang kaming umiinom ng biglang magsalita si Kuya. "Anong nararamdaman mo?"
Ito na ba yung sinasabi nilang late night convos? Pero teka, bakit si Kuya?

"Nararamdaman kong maganda pa rin naman ako."

"Wag kang asyumera. Pogi ako pero hindi ka maganda, Leah. Tingin tingin din sa salamin pag may time." Seryoso niyang sabi. Napangiti na lang ako sa sagot ni Kuya. Hindi na siya siguro magbabago kahit kailan pero ayos lang. Hindi naman siya magiging si Kuya kung hindi siya mahangin.

The Chosen PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon