Chapter 05: Darkness Room

482 37 0
                                    

Chapter 05: Darkness Room

Hindi ko magawang tignan sila sa mata ng deretsyo, tuwing papasok ako, kakain sa cafeteria, at sa bawat na nakikita ko sina Daryl ay nakayuko ako dumistansya muna ako sa kanila ayokong husgahan nila ako gamit kung paano nila ako tignan. Hanggang ngayon ay ako parin ang usap-usapan sa buong academy, lumipas na ang dalwang linggo pero pangalan ko parin ang mainit na topic nila.

Nagising ako sa madilim na kwarto, walang ilaw o kahit na isang tao. Tanging ako lang ang naroon nakaupo habang nakayuko... tahimik na umiiyak at paulit-ulit na nagmaakaawa. Kung hindi pa ako nagising sa bangungot na yon hindi ko malalaman na umaga na muli at kailangan ko ng harapin ang kinakatakot ko, ang paulit-ulit na humahabol sa akin kahit saan ako magpunta.

Bagsak ang balikat akong naglakad at sinakbit ang hindi kalakihang bag na kasya lang ang isang makapal na libro kung saan nakalagay kung paano gagaitin ng tama ang kapangyarihan ko maging ang mystical circle. Inayos ko naman ng maigi ang mga uniform ko at naglakad sa hallway kung saan naririnig ko ang pangalan ko.

"Shit! Hes here!"

So? Ano naman kung nadito ako!-

"Baka nakawan tayo nyan!"

Ha?! Nakawan?! Tinigil ko na yan. Ulul!-

"Jeez! Grabe ang lakas nyang pumasok rito!"

Ano namang pake nyo?! Kayo ba nagpapaaral sa akin!-

"Kailangan na natin syang mapailis... Yang magnanakaw na yan-" tiim bagang akong tumitig sa babaeng puno'ng-puno ng kolorete ang mukha maging ang hindi kagandahan nyang katawan.

"Gusto mong itoasted kita ng buhay?" walang emosyon kong tugon nanlaki ang mata nya kasabay ng pagawang ng labi, napaatras sya sa takot kuyom na kuyom ang kamao ko at kahit babae pa sya wala akong sasantuhin. Pasiring kong iniwas ang mata ko at taas noong naglakad sa gitna ng mga naghawing studyante.

Palihim akong napangisi dahil sa nangyare na yon pero mabilis kong winaksi ang mga yon ng muli kong makasalunong ang tatlong dapat ay nakakaintindi sa akin... well hindi pala nila alam ang tunay na ako kaya ako na ang naunang umiwas sa kanilaat deretsyong pumasok sa loob ng room.

Ng makaupo ako ay muli kong kinuha ang libro sa bag ko at sinimulang basahin yon, muli sa tamang posisyon ng mga daliri na magkahiwalay sa nakabanat na palad doon lalabas ang mystical circle na meron ako, at mula sa mystical circle na yon na nasa libro ko isang nagliliyab at nagngangalit na apoy ang meron ako maraming litrato pa ang naroon at ang tanging nakikita ko ay panganib ang pagkawasak. Bigla akong nakaramdam ng takot at kilabot para sa sarili ko, paano kung mapatay ako ng kapangyarihan na taglay ko? Paano kung mapahamak ang buong academy dahil sa kakaibang kapangyarihan na ito?

Muli kong binuklat ang panibagong pahina doon sa sumunod na pahina ay lumabas ang kakaibang uri ng mga apoy, mga nakita akong dalwang malaking bilog na apoy na kung tawagin ay Flaming Fire Blade, dalwang bilog ang magkaiba ng laki pero iisa ang lakas at lawak ng mapipinsala nito, ang sumunod ay isang espadang nagliliyab na sa sobrang lakas ay abot hanggang tatlong metro na tinatawag na Flaming Sword, matalim at nagaapoy na espada na kayang magpaliyab ng mga puno o kahit na anong bagay. Ang sumunod ay isang apoy na nakapalibot sa isang tao sa litrato isang apoy na mula sa mga paa nito patungo sa mga kamay nya sa sobrang laki ng lawak nito maaring masaktan ang lalapit o hahawak sa mainit na liyab nya, tawag roon ay Mystical Fire Manipulation.

Napaigtag ako ng may isang hampas na mula sa lamesa ko ang kumalabog, marahan kong binitawan ag librong hawak ko at doon ay nakita ko ang isang lalakeng ngayon ko lang nakita nakangisi sya sa akin na para bang kaya akong talunin.

Mystic Academy: School of MysticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon