Flame and I are in good terms always pero simula ng makilala niya si Samantha nag bago na ang lahat.
Yung dating Flame na sweet at mahal na mahal ko ay nagbago na parang mas gusto pa niyang makasama si Samantha kaysa sa akin.
Binalewala ko lang ang mga nangyayare hanggang sa dumating na talaga ako sa punto na kailangan ko na siyang papiliin.
Masakit ang naging desisyon kung papipiliin ko siya, pero ito lang ang paraan para maging akin siya ulit.
"Love, kung papipiiliin kita sino sa amin ni Samantha ang mamahalin mo hanggang dulo"
Nakita kung nag bago ang hitsura niya dahil sa sinabi ko. Nahihirapan ba siyang pumili sa amin, dalawang buwan pa niyang nakilala so Samantha pero ganoon nalang ang tiwala niya sa babaeng yun.
Samantalang ako limang taon ko siyang kasama pero ni minsan hindi ko naramdaman ang pag aalaga na ginagawa niya kay Samantha.
"So you truly love me Flame? Sana sa panahong ito hindi kana sana mag sisinungaling sa akin"
I saw his eyes with full of tears, nasasaktan ba siya dahil sa akin o baka umiiyak lang siya dahil magiging malaya na din siya sa akin sa wakas.
"I'm sorry for always hurting you Jane, hindi ako ang lalakeng para sayo. Alam kung may makikilala kapang mas higit pa sa akin na kaya kang mahalin ng sobra"
"Paano pag sabihin kung ikaw lang ang taong makakapag pasaya sa akin. Kaya mo bang ibigay yun sakin Flame?"
Bumuntong hininga siya bago sumagot sa tanong ko sa kanya. Alam kung nahihirapan na siya masyado dahil sa ginagawa ko. Pero ano bang magagawa ko, nag mahal lang naman ako ng totoo.
"I'm sorry Jane pero di ko yun magagawa, ayaw ko nang pilitin ang sarili ko sayo dahil hindi na ako masaya"
Parang dinurog ang puso ko dahil sa sinabi niya, hindi ko lubos matanggap na susukuan din niya ako.
Hindi ko na napigilang hindi maiyak dahil sa katotohanan na nalaman ko ngayon. Ang minahal ko na lalake ay sinusukuan na ako ngayon.
I thought habangbuhay na kami para sa isat isa pero ako lang pala yung umaasa. Alam mo yung binigay muna sa kanya lahat pero hindi ka parin naging sapat.
Natigil lang ang pag uusap namin ni Flame ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Jane and Flame kayo nalang ang hinihintay sa baba"
Sabi ni mommy habang kinakatok parin ang pinto sa kwarto ko.
" Yes mom, lalabas na po kami "
Narinig kung umalis na si mommy sa labas ng pinto ng kwarto ko. Birthday ngayon ng kapatid naming bunso at kailangan kung maka sayaw si Flame.
Yun lang ang kahilingan sa akin ng kapatid ko na makita kaming dalawa ni Flame na sumayaw sa mismong kaarawan niya.
Aalis na sana si Flame sa kwarto ko pero pinigilan ko siya."Please lets dance for the last time Flame, nangako tayo kay Keshia di ba"
"Pwede bang wag na Jane masasaktan lang natin lahat ng tao sa labas kung ipapakita natin na okay pa tayo"
Lumuhod na ako sa harapan niya para sumunod siya sa pakiusap ko sa kanya. Pero ayaw talaga niyang paawat at lumabas parin siya sa kwarto ko.
Hindi ko na napigilang humagolhol ng iyak ng makitang ayaw na talaga niyang makinig sa akin.
Nakita kung napa hinto siya sa paglakad papalayo sa akin ng marinig na umiiyak ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Okay pero this is the last time Jane okay para hindi umasa ang mga magulang natin"
Wala akong nagawa kundi tumango sa gusto niya, hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko para sa kanya.
Pero napakasakit malaman na ito na ang huling pag kakataon na pwede ko siyang angkinin sa harap ng maraming tao.
Sabay kaming lumabas at sinalubong lahat ng mga bisita namin sa bahay. Kita ko ang mga ngiti sa kanilang labi ng makita kaming dalawa ni Flame na magkasama.
I manage to smile kahit deep inside wasak na wasak na ang puso ko. Ewan ko ba pero di ko matanggap na ito na ang huling pagkakataon na makasama ko ang lalakeng pinakamamahal ko.
Nag simula na kaming sumayaw no Flame sa gitna ng maraming tao. Kita ko ang mukha ni Flame na parang pilit na ngumingiti sa harapan nila.
"This is the last time na pag bibigyan kita Jane next time di ako ako papayag"
Natapos na ang kantang sinasayaw namin ni Flame at ito na ang pahiwatig na hihinto ko na ang kahibangan ko para sa kanya.
I'm so happy to have him for the last time, this is my last dance with him. I love him so much kahit hindi na ako ang dahilan ng pag ngiti niya araw araw.
Sinundan ko si Flame na lumabas ng bahay namin, gusto kung mag paalam sa kanya ng maayos.
"Flame wait, can I hug you for the last time"
Tumango lang siya bilang sagot sa sinabi ko, ni hindi man lang siya tumugon sa pagyakap sa akin.
" I love you so much Flame "
"I know you do not love me Jane, pero thank you for being nice to me and sad to say that this is goodbye"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya at umalis na sa harapan ko. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko ng makitang unti unti na siyang nawawala sa paningin ko.
"Mahal na mahal kita Flame kahit di na ako ang minamahal mo. Thank you for the memories sana maging masaya ka palagi. I will bare it in my mind and in my heart how much I love you"
-END
AUTHOR'S NOTE!
-WANT SOME PART 2?
BINABASA MO ANG
HULING SAYAW (A OneShot Story)
RandomPaano nga ba kung sa huling pagkakataon ay maisasayaw mo ang mahal mo?