CHAPTER (2)
"Morning. I am Lucas Monteritz, I am here to tell you everyone that Sir Perez cannot attend your today's class, because he has to attend some errands. ipinararating din nyang cancelled na daw lahat ng mga reporting at mag g-graded recitation na lang daw sya pag balik nya... I have here your handouts para daw may maisagot kayo sa oral ni sir perez. This is 10 pages at kasali na daw rito yung last lesson nya kahapon about sa topic nyo. Ang sino mang hindi daw makasagot sa tanong nya ay mag drop out na."
Bakas naman sa mga mukha ng mga ka klase ko ang happiness dahil wala si sir perez at na cancelled pa ang reporting! Yung iba nga ay napapalakpak pa! ang iba naman ay medjo nadismaya sa huling sinabi ng lalake.
Napatulala ako sa sahig habang nag sasalita yung lalake sa harapan namin dahil sa mga sinabi nya. Bwesit! umakyat pako sa bakod para lang sa wala! Sana pala nag absent na lang ako! Walang hiyang buhay!
Gigil kong hinawakan ang ballpen ko habang naka tingin parin sa sahig at di ko namalayang salubong na pala yung kilay ko
"huy! Ikaw lang yata tong hindi masaya ah?" biglang siko sa'kin ni Hershey, at doon ko lang namalayan na nakasimangot na pala ako
"ah... wala may naalala lang hehe"
"ayaw mo ba ng oral recitation? Sabagay mukhang hindi ka nga mahilig makipag halubilo yun pa kayang mag salita sa harap ng maraming tao"
"h-hindi naman may naalala lang talaga" ngumiti ako ng tipid saka ibinaling ang paningin sa labas ng bintana ng biglang tumili si Hershey sabay yugyug sa sa braso ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. Ako ang kinukulit nya kasi nasa first row si johann dahil class president ito at nasa unahan lahat ng mga officer.
Biglang may nag lagay ng handouts sa armchair chair ko kaya napatingin ako don sa taong nagbigay at nakitang yung lucas ang nasa harapan ko at seryoso parin ang mukha. ako ang nasa pinaka dulo sa left side ng pinaka likod din na row ng chairs.
"pass this to your classmates, akyat bahay."
Nag salubong ang kilay ko at nag half open yung bibig ko ng ma realize ang sinabi nya. Pero bago pa man ako maka rebut ay tinalikuran na nya ako at bumalik ulit sa harap
"syeet! Napaka pogi talaga ni lucas! sarap iuwi sa bahay at gawing hapunan! Hmm!" sabi ni Hershey sabay hawak sa dalawang pisngi at parang nag de-daydream, ngumiwi naman ako at ina-nalize ang sinabi ng lucas na yon. Akyat bahay daw? Ako?....
oh shit! Baka...
baka Nakita nya ako kanina sa pader?! Yawa men! Napatingin ako sa kay lucas sa harap ng medjo kinakabahan.
"lucas! ekew ba ang shubstitute kay shir perez the whole time na wala sha sa mga class hours nya dito semen?" sabi nung classmate kong babae na hindi ko matandaan ang pangalan. Nandiri ako sa paraan nag pag sasalita nya kaya napangiwi ako ng palihim. Halatang trying hard mag pa cute amp!
"Hm No. nandito lang ako para ibigay sa inyo ang handouts at iparating ang news galing kay sir perez. Napag utusan lang rin ako."
Napa 'haayyy' naman yung mga classmate ko, at parang pinagkaitan ng Milo dahil mukhang nagkaroon ng malalang energy gap ang lahat lalong lalo na ng mga babae. Apaka OA din eh.
"eh lucas kelen dew eng belek ne ser perez?" isa pa tong si Hershey! Nakaka bwesit yung pagka oa ng pronunciation eh!
"I don't know yet, maybe three days in time, ang dinig ko ay importante daw ang gagawin ni sir kaya kailangang pag laanan ng oras." Napa buntong hininga sya habang seryoso parin yung mukha. mukhang di napapansin ang pagpapa cute ng mga girls sa kanya.