Chapter 7

46 3 0
                                    

Mystique POV

Dumeretso ako sa paglabas ng office ni Jarem at ng makalabas ako doon nalang ako nakahinga ng maluwag

bakit siya nandito?anong nangyayari

"Mr. Jang, let's go to mall" turan ko ng makapasok ako sa kotse

Gusto ko lang magshopping ngayon, sa tuwing naiistress ako gusto kong magenjoy at magwaldas ng pera

and money can buy my happiness, who said it can't?

Sinuot ko lang ang sunglasses ko at sumbrelo, i'm wearing a square wide pants and a crop top with sleeve

pinagtitinginan kami dito sa mall dahil sa mga body guards na nasa likod ko, buti nalang may suot akong sumbrelo kundi gulo nanaman 'to

"Hintayin n'yo nalang ako dito, i want to be alone" turan ko, tumango naman ang mga body guards ko

Pumasok ako sa women's clothing, hindi ako masyado bumibili ng mga damit sa mall dahil mostly ang damit ko ay ginagawa ng isang designer at bawat damit ko ay nagiging trend kaya maraming gustong bumili nito

vior ang tatak ng clothes ko, also you can buy it worldwide medyo mataas ngalang ang price kesa sa standard price ng mga mamahaling fabrics

"Ma'am bagay po sainyo ang suot nayan" nilingon ko naman ang isang babae i guess around 40's age niya?

"Talaga po?" Tumango naman ito

"Oo ija, napakaganda ng iyong katawan actually nag iisang stock nalang din naman ito kaya bibigyan kita ng discount kung sakaling bibilhin mo" nakangiti nitong turan, siya siguro ang manager dito.. yun ang nakalagay sa clip na nakakabit sa damit niya

"Ay kahit huwag na po, marami din akong bibilhin" pumili ako ng mga iba pang damit at sandals bago ito dinala sa counter

Ngunit bago yon nagpicture muna ako sa sarili ko while wearing one of their clothes, later ipopost ko ito sa instagram panigurado maraming pupunta dito

"Salamat po ma'am, balik po ulit kayo next time!" nginitian ko ito at pinabuhat na sa mga body guards ang dala kong paper bag, mukha di ako namukhaan nung matanda pero ayos narin

pagkapasok ko palang sa kotse ay pinost ko agad ang picture ko na suot yung kanina at nilagyan ng caption na "2nd floor at SM mall, i love this clothes!" Wala pang ilang segundo ay umani na ito ng maraming likes

"Sakto nandito ako sa SM mapuntahan nga"

"You're really gorgeous whatever clothes you wear"

"Omg nasa SM din ako kanina bakit hindi kita nakita :< "

"May boyfriend kana pala Mys"

"Swerte naman ng boyfriend neto"

Yan ang mga comments na nakita ko, almost every seconds nadadagdagan ito, marami din nagcocomment at tinatanong kung totoo ba daw na may boyfriend na ako

saan ko ba kase hahanapin yung lalaking iyon?napalingon na lamang ako sa bintana ng kotse nang biglang may nakita akong familiar na pigura

"Wait Mr. Jang, may pupuntahan lang ako"

"Ma'am dinagsa po ng tao yung SM ngayon dahil sa post nyo, baka kung mapano po ka-" bumaba agad ako sa kotse at sinundan ang lalaking nakita ko

hindi naman ako nasundan ng mga body guards ko dahil hindi nila ako napansin

"Ako ba ang hinahanap mo?" Napalingon ako sa taong nasa likuran ko, tama siya yung lalaki doon sa party ni Natnat! Naalala ko na ang kanyang mukha!

Napansin kong hindi ko rin suot ang sunglasses at sumbrelo ko kaya siguro niya ako nakilala

"What's your name again?" Gusto kong maalala pati ang pangalan niya para makumpirma kung siya yon

"Yobiro" maikli nitong turan.

:)


Never ForgetWhere stories live. Discover now