Pov
Sinama ako ng mga pinsan ko at si mama sa lugar nila, na sobrang layo. May gusto raw bisitahin mama nang pinsan ko ito si mama na traveller sumama siya at dahil may sakit si mama at walang mag reremind sakanya nung mga gamot niya saka insulin niya e pinasama ako ng mga ate ko para daw may matatawag daw si mama kapag iinom siya nang gmot niya saka maka assist sa insulin niya.
Sa sobrang haba nang nilakbay namin nag-suka ako hahaha umalis kaming 1:00 o'clock sa hapon tas dumating kami sa paroroonan naming saktong 9:30 pm sa gabi. Worth it naman yung pag punta namin doon kasi wenelcome kami ng mainit na klima HAHAHA sobrang init mga teh. Ako kasi di ako pwede magtagal sa mainit na klima kasi nagkakaroon ng red buong katawan ko. Diko alam ano tawag don kasi di naman ako napacheck up pero kapag nakakastay ako ng matagal sa mainit na klima nagkakaganon katawan ko tas ang katikati pa. Pagdating namin sa bahay nung bibisitahin nila ante di muna ako bumaba sa sasakyan kasi ang init talaga para na climate shock ako roon hahaha charing. Kami nung pinsan ko nag stay muna kami sa sasakyan niya for 5 minutes lang tas bumaba na kami. Pagkababa ko grabe teh, yung pamilya niya they're very welcoming us. Oh English yan teh di mo kaya nuh? Charooos HAHAHA so pagka upo ko sa upuan nila sa sala kasi mahihilo pa talaga ako tas yung pinsan ni ante at ang asawa niya nakatitig sila saaken. Tas biglang pumasok anak nilang lalaki. Like, mga teh na starstruck ako sakanya yung bang parang nag slowmo yung sa paligid namin. Tinitignan niya ako kapag di ako nakatingin feel ko ako lang pinaka maganda e charing Hahaha.
So yun nga dalawang araw kami sa bahay nila. Buti nalang may aircon kwarto nung ate niya at don kami pinatuloy. Mabait pamilya niya. Maski siya mabait siya, makikita mo talagang may respeto siya sa babae at sa sarili niya. Bonus na pagiging pogi niya at pagiging sexy niya HAHAHA jk. Sa first night namin nag balot sila which is di ako kumakain ng balot at ako nakatunganga lang kasi puro balot lang makakain doon wala nang iba pa so ako nganga lang sinusulyap sulyapan lang siya hanggang sa uuwi na kami. Dali dali kong sinakay mg gamit namin kami nung pinsan kong babae tas lumabas papa niya tas nag kwento lang siya at makikita mo talagang very professionals magulang niya. Hanggang sa pauwi na kami, sinusulyapan ko siya hanggang sa pauwi at paalis na kami sa bahay nila.
Hanggang doon lang love story ko sa crush ko HAHAHAHAHA seener kasi lolo niyo. Oo, friends kami sa fb at Ig saka sa twitter na rin. Oh wait sa tiktok na rin emeged ka. HAHAHAHAHA
END