1

1.7K 12 0
                                    

Love is like a rosary that's full of mystery

Ayan ok na naisulat ko na rin sa wakas matagal kong pinag iisipan kung ano nga ba para sakin ang meaning ng love.
Nasa likod pala kami ng school kaming dalawa ng bestfriend kong si Sese. Serena Serafina Gozon ang pangalan niya mahaba kung bigkasin kaya Sese na lang para maikli.

"Hay sa wakas after one week natapos mo na rin".
Hysterikal na sambit niya sakin habang pinatitirik pa ang kanyang mata sa kawalan.  Ngisi lang ang isinagot ko sa kanya. Isang linggo kasing nasa akin ang kanyang Slumbook, atat na siyang bawiin ito dahil papirmahan pa raw niya sa ibang kaklase namin. Nasa huling taon na kami ng highschool kaya naisip daw niyang bumili ng slumbook para daw remembrance.

"Oh ito na kaw talaga Sese".

Binuksan niya ang slumbook at binasa ang sakin. Kaming dalawa pa lang ang nakapirma dito.

"Naku si Kenzo pa rin ang crush mo hanggang ngayon? Tsk. Matindi na talaga ang tama mo .... sa utak".
Pailing-iling pa niyang sabi.

"Eh siya lang kasi ang gusto ko noh at saka di ako katulad mo na crush halos lahat ng gwapo dito sa school".
Ngayon ako naman ang napailing sa kanya. Pabiro lang niya akong inisnab.

"Eh crush lang naman yun eh saka di tulad mo na kung sa kanta pa 'hopelessly devoted'. Tsk".
Kontra niya sakin. Di talaga patalo ang babaing ito, bagay talaga sa kanya ang kanyang ambisyon na maging abogada balang araw.

"Ay sus loyal kasi ako".
Katwiran ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas.

"Loyal?! Di ka nga pinapansin nun eh saka ang alam ko madaming nobya yun dun sa Maynila kaya wag kana umasa".
Diretsahan niyang sabi sakin na ikinatahimik ko natumbok kasi niya ako dun.


"Oy bestie wag ka na magtampo. Ikaw naman kasi eh".
Humilig siya sa balikat ko at sinusundot-sundot ang tagiliran ko. Ito ang nagustuhan ko sa bestfriend ko palagi akong inaalo pag nagtatampo na ako. Minsan kasi sa sobrang prangka niya hindi ko maiwasang masaktan ng konti. Kabaligtaran ang ugali namin siya kasi realistic samantalang ako dreamer pero kahit ganyan kami magkakasundo naman ang ugali namin kaya naging mag bestfriend kami mula pa noong elementary hanggang ngayon.

"Bestie naman eh sige ka papangit ka niyan saka di ka na mapapansin ni Kenzo".
Nakangising sambit niya sakin kaya naman napangiti tuloy ako.

"O kala ko ba ayaw mo sa kanya".
Tinaasan ko siya ng kilay.

"Di naman sa ganun eh ah basta sige na nga suportahan na lang kita baka magtampo ka na naman".
Ayan bumalik na ang sigla ko dahil sa kakulitan nitong bestfriend ko.

Nag bell na hudyat na magsimula na ang klase namin sa hapon kaya niligpit na namin ang gamit namin at naglakad na papuntang room namin.
Habang patungo kami sa room napadaan kami sa bulletin board at nakuryoso kami dahil maraming estudyante ang nakapaligid dun may kung anong interesadong announcement dun kaya humalo kami sa kanila at tiningnan kung ano iyon.


Announcement!!!!

BECAUSE OF OUR UPCOMING TOWN FIESTA  WE DON'T HAVE A CLASS FOR ONE WEEK!!!

Halos sumigaw kaming dalawa ni Sese sa tuwa. Sa wakas makakagala rin kami. Tuwing pista kasi dito maraming mga aktibidadis na inorganisa ng local na pamahalaan namin kaya madaming tao ang dumadayo dito samin. Masaya kasi dito tuwing pista at ang pinakahinihintay namin ni Sese ay ang karnabal.
Natapos ang subjects namin hanggang uwian masaya pa rin ang pakiramdam ko at dahil byernes ngayon ibig sabihin makakapahinga ako ng matagal at makapanood pa ako ng paborito kong korean serye na Love in the moonlight. Kaya ang saya-saya ko parang may pakpak amg mga paa ko habang naglalakad pauwi. Ako lang mag isa ngayon dahil si Sese tinawagan ng kanyang mama at pinapapunta sa palengke. May maliit kasi silang tindahan dun.







Tied To Kenzo Del Valle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon