Prologue

10 1 0
                                    

Prologue..

"Anong ginagawa mo dito Cole??!!!" inis na sigaw ko sa nakababatang kapatid na si Cole, sinabihan ko kasi s'yang huwag pakeke-alaman ang gamit ko pero paglabas ko ng banyo ay nakita ko s'yang may kinakalikot sa drawer ng table ko.

"Ahhh!" binatukan ko s'ya.

"Hihiram lang naman, napakadamot mo!!!" aba!! Marunong na pala s'yang sumigaw at sa akin pa talaga.

"Ginaganyan mo na ako Cole!! Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa'yo ng tatlong taon!" masyado kase s'yang pake-alam euro, hindi muna kumatok bago pumasok.

"Isususmbong kita kay mama!!" padabog s'yang lumabas ng kwarto ko. Kinabahan agad ako nang sabihan n'yang isusumbong n'ya ako kay mama, tumakbo ako papuntang desk ko at tinignan kung nagalaw ba ang drawing book ko na nakaipit sa madilim na part ng desk ko, nakita kong ganun pa din ang drawing book, malinis at hindi nagalaw.

I feel relief now. Hindi ko alam ang gagawin ko kung makita n'ya ang card ko. Hindi ko kasi pina-alam kay mama at papa na bagsak ako sa lahat ng subject sa first quarter pa lang ng school year na ito as in lahat puros 73, 72, 74 at 71 kahit isa wala man lang 75.

"Cele, kakain na." nawala lahat ang magandang pakiramdam sa loob ng katawan ko at napalitan ito ng pagkabahala. Boses pa lang ni mama nakakatakot na, para tuloy akong mamatay.

"Opo mahh!!!" sigaw ko bilang sagot. Nangangatog ang paa ko nung magsimula akong maglakad.

"Umayos ka naman, kailangan mong magpanggap, bumawi ka na lang sa next quarter!" pinangangaralan ko pa ang sarili habang pinalo-palo ang sariling paa.

Nang makababa ako nakita ko na nakahanda na ang niluto ni mamang Adobo at chapsuy. Naupo ako sa harap ni Cole at doon ko nakita si Cole na nakangisi.

First time ko ata s'yang nakitang ngumise, may ibig sabihin ba iyon?

"Inaway mo na naman ba ang kapatid mo Cele?" tanong ni mama habang si papa naman ay nagbabasa ng dyaryo. Nakakainis naman itong si papa, dyaryo sa umaga dyaryo sa gabi.

"Nauna s'ya mama, sinabihan ko kasing huwag pake-alaman ang gamit ko." sumbong ko kay mama pero si papa parang walang pake.

"No mom!! Hihiram lang sana ako ng ruler pero nasa banyo s'ya kanina kaya ako na lang ang pumasok at kumuha ng ruler sa drawer n'ya tapos bigla na lang n'ya akong binatukan.." sumbong n'ya pero bigla na lang n'yang tinigil.

Epal talaga toh, may patigil tigil pang nalalaman, pa-suspense pa ang buwisit akala mo naman gwapo. Dahil sa inis ay napainom na lang tuloy ako.

"Bwahahhaha mama may sasabihin ako sa inyong masamang balita." nang sabihin n'ya iyon ay naidura ko sa mukha n'ya yung iniinom kong tubig.

"Yuck!!!!!!!" sigaw n'ya.

"Bobo ka ba??? May tagas ba yang bibig mo?!! Kadiri ka!!!!! Pweeee." sigaw n'ya ulit.

"Cele, ano bang nangyayari sa iyo? At ikaw naman Cole tigil tigilan mo na ang ate mo, at huwag kayong mag-away sa harap ng pagkain!!!" ayan galit na si mama.

"Araw araw na lang kayong aso't pusa, bigyan ko na lang kaya kayo ng tig-isang kutsilyo at doon kayo sa labas magpatayan!!" sigaw ulit ni mama.

Ikaw kasing buwisit ka, sana hindi na lang kita naging kapatid, buwisit!!! Malas!!! Negative feelings!!! Ewwwwww buwisit!!! Bubwit!!!!

"Hayysss hindi ko na alam ang gagawin sa inyo, araw araw na lang kayo ganito." si papa naman ang nagsalita.

Anong gagawin sa amin papa ehh wala ka namang ginagawa papa, buong maghapon kalang namang nagbabasa ng dyaryo.

9 Prince And MeWhere stories live. Discover now