Chapter 1

6 3 0
                                    

chapter 1 : cold

Malalim na ang gabi pero buhay na buhay pa din ang birthday party ni Ken. Nagpa-set up pa siya ng karaoke dahil gusto niyang kumanta. Mabuti na lang at malayo ang pagitan ng bawat bahay dito kaya hindi nakakabulabog.

Nagtatawanan ang mga kaibigan namin dahil sa trying hard na pagkanta ni Ken. Nandito kami ngayon sa pool area. Nag-iinuman ang ibang mga kaibigan niya samantalang ang ibang babae ay abala sa pagkukwentuhan.

Its like a mini reunion for everyone.

Sandaling nawala sa isip ko ang mga nangyari kanina dahil naging abala  sa pakikipagkwentuhan kina Charity kasama ang iba pang mga kaibigan noong college.

Sumimsim ako sa aking juice. I had few shots earlier. Hindi ako masyadong iinom dahil medyo hindi na ako sanay sa alak. Ayokong malasing.

Naglakbay ang mga mata ko sa grupo nina Rafael, malapit lamang sila sa amin. Halos mga lalaki ang nasa banda nila at may ilan rin na mga gay friends ni Ken. Masaya silang nag-uusap at nagtatawanan.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na medyo humaba na ang kaniyang buhok compared to his usual clean cut. May iilang hibla ang bumabagsak sa kaniyang noo.

Bakit Agatha? Kailangan ba talaga na mapansin mo ang mga pagbabago sa kaniya?

I sighed.

Ininom niya ang isang shot ng kung anong alak. Namumula na ang kaniyang tenga at labi. Kumunot ang noo ko sa aking mga napapansin.

I almost had a heart attack when he caught me staring at him. Napaubo ako ng kaonti dahil parang may bumara yata sa aking lalamunan.

Kanina noong tuluyan na kaming pumasok sa loob matapos ang pagpapakilala ay hindi ko na muli siyang nilingon pa. He didn't say anything though. I guess he wanted to act like he didn't know me at all.

I don't have problems with that. Mas okay nga iyon sa akin.

Hindi ko na ibinalik ang tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay nahuli niya akong gumawa ng isang malaking kasalanan. I feel like my cheeks are burning. Hindi ako mapakali kaya naman uminom ako ng  juice para kumalma.

"Are you already drunk? Namumula ka na," puna ni Katrina sa aking tabi at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Ngumiti ako at umiling.

"Hindi pa ako lasing. Mainit lang siguro..." tanggi ko.

Tumango naman siya at inabutan ako ng isa pang shot. Kinuha ko ito at nilagok. This is my last shot for tonight.

Ang mga boys naman ang ginulo ni Ken. Ang alam ko isa sa mga yan ang boyfriend ng pinsan niya na nasa Cebu. I don't exactly know kung sino... And I'm still wondering why he's acquainted with Rafael. How come? We didn't graduated from the same university.

Ken never mentioned him to me. As in kahit noong nasa probinsya ako, never niya sinabing may nakilala siyang bagong kaibigan. Ang liit talaga ng mundo.

"Ikaw, Agatha? May boyfriend ka na ba doon sa province at hindi ka man lang namin maaya gumimik?" Leana asked.

Hindi ko nasundan kanina ang topic nila. Ngayon ko lang narealize na iyon palang ang usapan nang mismong ako na ang tanungin.

"I don't have one," tawa ko. "Naging abala ako sa family and some stuff kaya hindi ako nagka-oras makipagdate doon."

They all teased me. Hindi raw sila naniniwala. Dahil doon ay umingay sa table namin.

"Seriously? Walang pumorma sayo doon? Nangulit? Nag-aya makipagdate? Wala?" tanong ni Cheska.

Sandali akong natigilan nang may naalala.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon