Chapter 2

3 1 0
                                    

chapter two : worried

Some our friends will not stay for the night. Katrina left already. Sinundo siya ng kaniyang pinsan. Samantalang si Leana at Cheska naman ay sabay na uuwi. Sila na rin ang maghahatid kay Charity pauwi sa condo nito.

"Are you sure you can still drive? Hindi ka ba lasing?" Nag-aalalang tanong ko kay Leana.

"Oh come on, Agatha! I can still drive to Tagaytay pa, back and forth!" she laughed.

I sighed.

"Ingat kayo, ah?" bilin ko.

Tumango si Leana at ngumisi.

"Happy birthday, Kenny! I love you my dear friend! You know that! Gimik tayo, ah? This time with Agatha! OMG! I'm so excited!" ani Charity.

Tumawa ito at lumapit kay Ken. She kissed his cheeks multiple times. Napailang na lang ako. This girl is very drunk.

"Girl, kadiri ka!" angal ni Ken pero natatawa naman. "Ihatid niyo na ang bruha na ito! Lasing na! Nakakaloka!"

"Arte mo!"

Lumapit sa akin si Charity para yumakap at bumeso.

"Ihahanap kita ng boyfriend. Madami akong kilala na single!" tawa nito at hinaplos ang pisngi ko.

Umiling na lang ako sa kakulitan ng kaibigan.

"Sarili mo muna ihanap mo. Let's go na..." si Cheska.

"Tsk!" angal ni Charity. "Sige na! Goodbye na mga bakla!"

Ilan sandali pang nagtawanan bago sila pumasok sa loob ng kotse. Sabay kaming kumaway ni Ken sa kanila.

"Take care, guys! Text me, ah?" bilin nito.

"Okay... We'll go ahead na. Thanks for tonight and let's all hang out ulit. Bye!" si Leana.

"Bye!" kaway ko.

Umandar na ang sasakyan ni Leana but we stayed outside for a while hanggang sa mawala na sa paningin namin ang sasakyan.

"I think should call it a day. It's already 3 am! I think I am drunk na. My head is spinning!" si Ken.

We went inside the house just in time na papalabas ang tatlong kaibigan ni Ken na kanina ko lamang na-meet.

"Ken, happy birthday again. We're leaving na. Thanks for inviting us!" sabi ng isang babae na ipinakilala sakin kanina ni Ken pero hindi ko na maalala ang pangalan. He introduced to so many people today kaya hindi ko matandaan ang mga pangalan ng iba.

May kasunod itong dalawang lalaki. I know that one of them is gay.

"Okay... Thanks for coming, Suzie. I really appreciate it. Ingat kayo sa pag-uwi."

Tinapik ng lalaki ang balikat ni Ken samantalang yumakap naman si Suzie sa kaniya pati na iyong katabi nito na tingin ko ay gay.

"Thanks for coming, Greg!" ni Ken sa lalaki.

"Happy birthday. We really enjoyed the party," Greg replied.

"Happy birthday, Mare! It was really a fun party!" lumapit ang katabi ni Suzie at bumeso kay Ken. I know that this is one of Ken's gay friend. Sa pananalita pa lang ay alam ko na. I've seen him before but we didn't formally introduced to each other.

"Thank you, Al." Ken replied.

Nakatingin lamang ako sa kanila. Bumaling sakin si Greg at ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon