PREVIOUS WEEKIt's Monday morning. My first day at my new school "Mccallister's University".
Oo, bago nanaman school ko. Nakakasawa na rin, lagi nalang palipat-lipat. That's why I don't want to make friends because they're only temporary, at nahihirapan din ako makipagsalamuha and for sure, lilipat ulit ako ng school the following school year and I won't see them again.
"Athena! Why are you not up, young lady?! Are you still thinking about your dad? Hindi na 'yon babalik! Get up and head to your school na!" sigaw ni mama pagbulabog ng pinto.
"Ma, I'm aware na may pasok ako. Isa pa, i'm not thinking about dad. Gusto ko lang po muna humiga nang ilang minuto." I sighed
I want to raise my voice but I choose not to. First day ko 'to sa panibago ko nanaman na school and I don't want it to be ruined.
Napabuntong hininga nalang si mama pagsara ng pinto.
Hayss..kailan ba kasi ako magkakaroon ng sarili kong bahay...?
Ilang minuto ang nakalipas..
naka-kain na'ko mag-isa habang si mama, nagbabasa sa sala. Nakapag-ayos na ako ng gamit at handa na rin umalis para pumasok.
"Athena, take care, sweety" mom said bago 'ko buksan ang pinto.
"Thanks, mom"
Nakarating na rin ako sa bago kong paaralan. Paakyat na'ko sa classroom namin sa 4th floor.
Habang pumapanik, iniisip ko na ano mangyayari sa akin, sa unang araw ko rito.
"Jusme! Pagpasok ko ng gate, maayos pa itsura ko, bat pag panik ko, mukha na'kong kinaladkad ng sampung kabayo. Bat ba kse ang haba-haba pati andami ng hagdan?" Naiirita 'kong pabulong sa sarili ko.
"Hoy! bawal dito. Sino ka?" Bungad sa'kin ng isang studyante sa labas ng classroom pagpanik ko ng hagdan.
"Tabi ka nga! Anliit-liit mo, pero anlaki mong harang" Tugon ko sabay irap ng mata.
Wtf?? Umagang-umaga ganito na bubungad sa'kin? Ang kapal naman ng pagmumukha nun eh mukha ngang chanak.
"OMG! No, Athena. It's your first day, and you should maintain a positive attitude." My subconcious told me.
Pagpasok ng kwarto, dali-dali na'kong naghanap ng pwesto.
*Bell Rings*
"Good morning, class! I am ma'am Kris Bartolome, your adviser for the school year 2021-2022." Maligayang pagbati sa'min ni ma'am pagpunta nya sa gitna ng classroom.
"Good morning, ma'am Bartolome!"
Class finally started. "introduce yourself" ang una naming ginawang activity.
Nang magpapakilala na ang isa pang bagong studyante na lalakeng matangkad, halos lahat ng babae maliban sa'kin, nakatulala sakanya.
"Hoy, girl! Gagi, ang pogi pati ang tangos ng ilong, no?" pabulong ng isa kong kaklaseng babae sa katabi niya na may kasamang hampas sa braso.
"Hoy, oo nga! Shett, ang pogi! ano kaya fb nya? Hahaha, choss!" tugon naman ng katabi niya sakanya.
Mga hayop, bu-bulong nalang nga, rinig na rinig pa. Aba, may paglapit pa ng bibig sa tenga, wala rin lang saysay.
O baka dakilang chismosa lang talaga ko't ang lakas ng pandinig ko, hehe. Shush, self. Sabi ko nga, maintain a positive attitude, hayssst.
"Ms. Thompson" Ma'am called out
BINABASA MO ANG
All a Dream
Mystery / ThrillerWhat's it like? To meet someone in your dreams who died 16 years ago makes you the happiest person on the planet, but only everytime when you sleep? Athena, a teenage girl with a broken family who is struggling with her teenage life, discovers a per...