MARRIED AT EIGHTEEN

1.4K 35 2
                                    

TEASER

Nagtatrabaho sa flower farm, na pagmamay-ari ni Don Alonzo Ortega, si Janicah. Pinakamayamang personalidad ang Don sa buong San Fernando. Dahil ramdam na ng matanda na hindi na ito magtatagal sa mundo kaya naman inalok siya nito na dalhin ang apelyido nitong Ortega. Bagay na gumimbal sa buong pagkatao ni Janicah.

Nang malaman ng apo nito na si Ezekiel Ortega ang balak ng lolo nito na pagpapakasal sa katulad niya na eighteen pa lang ay agad itong umuwi sa Pilipinas. Bukod daw sa bata pa siya masyado para sa abuelo nito ay lantaran din nang ipamukha sa kaniya ni Ezekiel na pera lang ang habol niya sa lolo nito.

Ngunit imbis na makaramdam ng inis dahil sa pambu-buwisit nito sa kaniya ay mas lamang pa rin ang lihim niyang pagtingin sa guwapong apo ng Don.

Isang gabi, bago ang kasal sa huwes, sinadya pa ni Ezekiel si Janicah sa gamit niyang guest room sa mansiyon. Medyo nakakainom ito ngunit alam naman nito ang ginagawa nito. Sa huling pagkakataon ay nakiusap ito na iurong na niya ang kasal sa lolo nito bagay na hindi niya sinagot o ano pa man. At ginamit pa talaga mismo ni Ezekiel ang karisma nito para lang isuko niya ang sarili rito nang gabi ring iyon.

Handa na sana si Janicah na iurong ang kasal. Memoryado na niya ang sasabihin sa Don. Ngunit hindi nakiayon sa dalaga ang pagkakataon.

Natuloy ang kasal... kasal na kahit sa panaginip ay hindi niya lubos maisip na sa ganoong paraan mangyayari.

_____________________________________________

Mababasa po ito sa #Dreame at #Yugto App.
Happy reading.

#R18 #Romance #SPG #HeavyDrama #VIP #NeedCoins #PayToRead

Title: MARRIED AT EIGHTEEN ( R18+ )
By: Jonquil

Title: MARRIED AT EIGHTEEN ( R18+ )By: Jonquil

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
JONQUIL STORY LISTWhere stories live. Discover now