Sa rpw tayo'y pinagtagpo,
Distansya man natin ay malayo.
Ngunit dahil dito nanatili tayong konektado.
Malayo ka man sa aking tabi,
at kaunting panahon lang ang ibinigay sa atin.
Laking pasasamalat ko sa kan'ya na ika'y dumating.Malayo ka man sakin,
Pag mamahal na inialay ko sa'yo sana'y 'di bitin.
Umiyak man nang paulit- ulit,
Paulit- ulit ka ring pipiliin.
Gabi- gabi sa mga bituin ika'y aking hihilingin.
Kahit pa sa kakulitan ko sila'y sumuko na rin.
Puso ko nama'y ikaw lang ang kayang mahalin.Hindi susuko dahil sayo ang puso ko'y payapa at kuntento.
Ikaw lang 'ata ang kayang mahalin ng puso kong ito,
Tiggnan mo hanggang ngayo'y ayaw pang sumuko.
Ikaw kasi masyado mong pinasaya,
ngayon ikaw lang hinahanap- hanap nya.Masyado 'ata akong naging kampante,
Di ko inaasahan na magka- gusto ka sa malapit.
Akala ko'y mananatili kang kontento,
sa tulad ko nag- hintay ng ka'y tagal sa pag babalik mo.
Akalain mo yun iba na pala ang manahalin mo,
Akala ko kasi tayo hanggang dulo.Tulad ng pangakong ako lang hanggang dulo.
'Di ko namalayang na unti- unti ng nag- babago.
Tulad ng dati taga- hintay ng muli mong pag babalik.
Yun ay kung may pag asa pa ba na tayo'y bumalik.Ika'y hihintayin,
Hanggang ang puso ko'y handa ka nang limutin.
Pero sarili lang ang lolokohin,
Pagkat saking puso sayo'y walang makaka palit.
YOU ARE READING
Roleplay World
Poesía𝙿𝚘𝚎𝚝𝚛𝚢 𝚏𝚘𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚘𝚗𝚎 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚐𝚘𝚝 𝚊𝚠𝚊𝚢 𝙿𝚘𝚎𝚝𝚛𝚢 𝚊𝚗𝚍 𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚋𝚢: 𝚈𝚘𝚞𝚛𝚜 𝚝𝚛𝚞𝚕𝚢