Chapter two

12 0 0
                                    

"Pre! Late kana din?" Tanong ni Edwin ng makasabay ko s'ya sa paglalakad papasok sa school.


"Oo. Late na kasi ako natulog kaya late na din nagising."


"Hahaha same." Natatawang sabi niya. Natawa din naman ako. "Nag ml pa ako eh! Tapos may kaduo ako na chiks. Ikaw ba?"



"Wala!" Umiling lang ako sa kaniya. Ayaw sabihin ang dahilan ng pagkalate ko.



"Wee! Baka iba na 'yan ha?"



"Ulol mo. Edwin!" Singhal ko sa kaniya. Tumawa siya kaya binatukan ko sabay takbo. Hinabol niya naman ako.



"Aray! P*ta." Mura ni Jaya noong nabangga ko ulit siya ng hindi sadya.




"Sorry" paghingi ko ng tawad.



"Ikaw nanaman? Gusto mo ba ako? Papansin ka e!" Inis na tanong niya na siya rin ang sumagot.



"Ang kapal naman! Tadhana ang sisihin mo huwag ako!"



"Sasagutin ba ako ngayon kung magtatanong ako sa tadhan na sinabi mo?" Pilosopong sabi niya bago ako inirapan at umalis sa harap ko dahil tinawag s'ya noong type ni Haru. Ang sungit naman ng babae na 'yon.


Narinig ko ang mahinang tawa ni edwin kaya tinignan ko siya ng masama. "Baliw! Tara na nga baka malate tayo. Tss." Inis na sabi ko. Panay naman ang kalabit niya sa akin at pag tinitignan ko siya ay parang tangang kinikilig. May pa ayeee-ayee pa s'yang nalalaman. Bading!



3 days lang at natapos ang foundation days. Noong unang araw ng foundation day ko lang naman nakita si Jaya tapos kanina lang ulit. Saan ba nagpu-punta ang mga 'yon. Nakarating din kami sa wakas ng school. Binantaan ko pa si edwin na huwag sasabihin sakanila ang kan'yang nakita kanina pero tawa lang ang sagot niya sa akin.


Andito kami sa canteen. Tahimik kaming kumakain ng may lumapit sa pwesto namin na dalawang babae. Hindi namin kilala.



"Hi... I'm katelyn. Para sayo nga pala. Cookies. Ako nag bake n'yan." Nakangiting sabi nong babae kay haru at binigay 'yung cookies na dala niya. Tinignan lang yon saglit ni haru at inalis din ang tingin. Medyo napahiya naman 'yung babae kaya kinuha ni brylle at nag thankyou sa babae. Hindi naman para sa kaniya yon?!



"Ito naman sa'kin. Para sayo yan. Sana tanggapin mo." Sabi nong isa sa akin. Tinanggap ko na naman yon kaagad para hindi s'ya mapahiya.



"May snack na ako sa hapon. Salamat dito. What's your name?"



"Jenny. I'm Jenny." Kinakabahang pagpapakilala niya sa'kin. Ngumiti siya at hinila na 'yung kasama para umalis. Kumaway pa sa'kin.

Binigay ko yon kay Jovel kasi hindi ako kumakain noong binigay ni jenny daw. Calcheese?! Wafrets? Ano ako bata?! Psh.



Tinuloy ko nalang 'yung pagkain ko at napadaan bigla ang mata ko sa entrance. Muntik pa akong mabulunan ng pumasok sina jaya kasama ang mga kaibigan niya. Kinuha ko kaagad ang tubig ko at iniinom 'yon ng hindi inaalis ang tingin sakanila. Wew!



"Tss. Parang tanga lang." Pagpaparinig ni edwin sa'kin. Pinakyuhan ko s'ya.



"Tumahimik ka nga! Tumatalsik ang laway mo sa pagkain ko!" Saway sa kaniya ni brylle. Natawa naman kami sakanila.



Tahimik lang akong nagmamasid sa kaniya. Pagtumitingin siya sa gawi namin ay umiiwas ako. Nakita pa ni Haru at Edwin 'yon. Palihim naman na tumatawa si Edwin at nakatakip pa ang kamay sa bibig niya. Sarap naman batukan nito!?


I Hate That I Miss You (Ongoing)Where stories live. Discover now