Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PROLOGUE
“What’s your inspiration behind this book, Miss Kathy?” tanong ng isang reporter.
“I wrote this book as a coping mechanism. The idea that came with this book was inspired by all the people around me. I am a hopeless romantic and I wrote all that I thought should’ve happened to the relationships I was witnessing.” sagot ko naman sa kanya.
Nandito ako ngayon sa launching ng new book ko titled POLARIS. At tinatanong ako ng mga nag-attend ng kung anu-anong questions related sa book.
“Can I ask a follow up question about your previous statement, Miss? Coping mechanism from what? Did you experience any kind of trauma?” tanong ng isa pa.
I smiled and said, “Not a coping mechanism from a trauma but from adjusting to a new life. A fun fact, I wrote this book a while back when I stopped for 1 year from attending school. My family was having financial problems and it was hard for me to deal with the problems I thought I wouldn’t encounter.” pagpapakatotoo kong sagot. I didn’t directly answer the trauma part but all was true.
Naglabasan pa ang iba’t ibang tanong tungkol sa libro at sinagot ko naman ito ng maayos. Hanggang sa umabot sa isang personal na tanong ang ibinato sa akin.
“Na-inlove ka na po ba?” tanong nung isa na naka-maroon.
“Of course, I have.” maikling sagot ko dahil ayokong dumako sa ganyang topic yung mga tanungan dito.
At dahil nasimulan na ng ganoong tanong sumunod na ang mga nagbabagang personal na mga tanong.
“May karelasyon ka po ba ngayon?” ang sumunod na tanong.
“Wala. It has been 7 years and ang karelasyon ko ngayon ay ang mga libro ko at trabaho.” sabi ko tapos ngumiti para hindi halatang masyado akong bitter at hopeless romantic.
“Ano pong nangyari?” pagdemand nila ng detail.
“Let’s say, it wasn’t meant to last.” sagot ko at senenyasan ko ang aking mga organizer na ayoko na.
“Isa nalang pong tanong at pipirma na si Miss Kathy ng mga libro.” pag-announce ng isa sa mga organizer ko.
“Why was it not meant to last?” tanong ng tinig na kilalang-kilala ko hanggang ngayon. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bakit siya nandito? Hindi ako makasagot. Nablanko yung utak ko. Nakatingin siya sa akin ng seryoso habang ako ay halos hindi makatingin ng diretso. Pucha naman oh!
“Miss Kathy?” pagtawag sa akin ng isa pang organizer. Natauhan ako at napagtanto kong lahat na ng mga tao sa paligid ay naghihintay sa aking sagot.
“Kasi minsan kahit anong pilit nating masaatin ang isang bagay, mas lalo lang itong nilalayo ng tadhana. No matter how passionate and pure a love can be, you can’t know if you’ll really end up together. In my case, it was bad timing. Maybe you’ve heard about this but there is no such thing as right person, wrong time because when it is the right person, all else will be right, the time, the place and even the situation.”
BINABASA MO ANG
My North Star
RomanceKathlyn Ardiente whose dream is to succeed in her career struggles to make it to success dragging her relationship with Rile whose now primary dream is to marry her and love her above all else. What could be the end for them? Will they just be each...