Athena
Ang lambot ng kama. Para akong nasa isang toneladang bulak. Ang bango ng unan. Teka bakit iba yung amoy ng unan ko? Napabalikwas ako ng wala sa oras.
This place seems familiar. I've been here. Hindi ko lang maalala kung kelan. Tinapik tapik ko ang sarili ko. Bakit kaya ang sakit ng ulo ko?
"Good morning"
"Ay kabayong buntis" Nagulat ako sa nagsalita. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Darren. "Hoy peste! Ano to kidnapping na naman?" Hinagis ko yung unan sa kanya pero nasalo niya. Ibabato ko na sana yung vase sa side table kaso mabigat wag na lang.
"Para kang lasing nung bumaba tayo ng taxi. Halos yakapin mo na yung hagdan tapos pagdating dito sa kwarto tulog ka na agad so technically hindi to kidnapping"
"Whatever! Uuwi na ako!" Kinuha ko yung gamit ko at lumabas ng kwarto. Dire-diretso akong bumaba kahit naririnig kong tinatawag niya ako. Wala din akong paki kung amoy laway o mukha man akong sabog basta uuwi ako.
"Athena?" Pag minamalas nga naman oh. Nakita pa ako ni Tamia.
"Oh hi! I need to go. Sorry. Til next time" Naramdaman kong may humila ng kamay ko. "What?" Singhal ko.
"I'll drive you home. That's an order"
"Well, I'm not part of your game so don't give me orders Villacruz." Natameme siya sa sinabi ko.
"Papasukin niyo ko. DARREN! DARREN!" Natawa ako sa narinig ko. Kumunot noo ni Darren at Tamia. "Papasabugin ko tong ba-" Natigilan siya sa pagsasalita. Ewan ko kung bakit. "Bakit andito yang babae na yan?" Ako ba tinutukoy niya? Natawa na talaga ako. Awkward. "Anong tinatawa-tawa mo?"
"What the fuck are you doing here bitch?" Mataray na tanong ni Tamia. Tiningnan lang siya ni Mindy at tinulak ako.
"Oh eh di wow. Hindi uso ang sorry teh?" Naglakad na ako palabas habang sila nagkakagulo pa sa loob. Bahala sila.
"Hop in" Nakita ko si Tamia sa driver seat. Umiling lang ako. "Come on. Hop in" Umiling pa din ako at dahil swerte ako. May taxi na dumaan sumakay agad ako at kumaway sa kanya. Bakas ang disappointment sa mukha niya.
Ring ng ring yung phone ko. Si Charles tumatawag. Ano kayang problema nito?
Ako : Hello?
Charles : Can we talk?
Ako : Pumunta ka sa bahay ng around 3pm.Inend ko na yung call.
Ano naman kayang pakana ng taong yun. Ay ewan.
"Kuya dyan lang po sa tabi. Ito po oh" Bumaba na ako. "Ma, I'm home"
"Wala si Ate. Nagpunta ng palengke kasama yung girlfriend ng kuya mo"
"Si ate Maggie? Andito uli sa Pinas?" Naexcite naman ako. Tumango lang si Tanya. "Sige akyat na ako. Salamat"
Namiss ko tong kwarto ko kaya humiga agad ako.
"Bunso gising may naghahanap sayo"
"Ate Maggie" Hindi ko napigilan niyakap ko agad siya. Napatawa tuloy siya.
"May naghahanap sayo sa baba"
"Sino po?"
"Si Darren at Charles" Napanganga ako sa narinig ko.
"Sige po. Pakisabi maliligo lang ako. Thank you"
Tinagalan ko maligo para mainip sila. Nagsuot lang ako ng shorts at tshirt tsaka bumaba na. Naabutan kong magkaharap si Darren at Charles.
"Oh anong satin?" Bungad ko.
"Ewan ko dyan sa ex mong makapal ang mukha" Sagot ni Darren.
"I need your help guys. Lalo ka na Darren." I'm not used to seeing Charles talking like this.
"What help?"
"Major client ng cakeshop ni Ate yung company niyo Darren, dahil sa nangyari sating tatlo pinull out ng lolo mo yung cakeshop ng ate ko as a supplier niyo. And now my Ate is in the state of her life na kelangan niya yung business niya. Alam ko madami akong kasalanan sa inyong dalawa pero para sa ate ko luluhod ako para tulungan niyo ko"
"Walang problema sakin, sayo ba Darren?"
"I can talk to my Lolo. But this will be hard. Because that old man is a very hot and hard headed person. If this is all about then I guess we're done. Athena and I needs to go"
"At san tayo pupunta?"
"Sa office ni Lolo. I need back up"
"Sabi ko nga magbibihis na ako. Magmerienda muna kayo. Ano pala dapat isuot ko?"
"Just be yourself"
"Thank you Darren" narinig kong sabi ni Charles bago ko isara ang pinto ng kwarto ko. Napangiti naman ako.
BINABASA MO ANG
So It's You
Teen FictionWill you take the risk with the person who hurt you once? Will it still be the same feeling after the damaged has been done? .... Find out ***NOTE: No Copyright Infringement sa Picture ng Book Cover. I just searched it sa net*** Thanks!