CHAPTER 16

47 6 0
                                    

ZANDRIA

"Ma , I'm home" Sabi ko habang naglalakad papuntang sala nakita ko si ma na nakaupo sa sofa at mukhang malalim ang iniisip pero paglingon niya sa akin ay ngumiti siya at inaya ako para umupo sa tabi niya.

Umupo ako at nakatingin lang si ma sa akin.

"Anak , kumusta ang araw mo?" She gently asked.

"Ayos lang naman ma " Ika ko pero niyakap niya ako , kaya nagtaka ako kung bakit. I just hugged her back.

"Anak, may gusto ka bang sabihin sa akin?" Tanong ni ma kaya humiwalay ako at tumingin sa kanya. I sighed, I don't want to worry her but I know na kailangan niyang malaman yung nangyari sa flower shop.

"Ma may nanggulo kanina sa shop, pasensya na dahil hindi ko agad nasabi sayo, ayoko kasing mag alala ka " She just carresed my back.

"Tumawag sa akin si tita mo, anak , Hindi naman ako galit eh, pero mas lalo akong mag aalala kapag hindi mo sinasabi sa akin ang mga  nangyayari"  Inayos niya ang takas na buhok ko sa tenga.

"Pasensya na ma, next time sasabihin ko sayo agad pag merong nangyari "

She nodded at me and smiled.

"Pero ma , kumusta naman kayo sa trabaho?  Ayos lang po ba ang pakikitungo sa inyo ni Mr. Kim?" I asked worried, na kwento kasi ni ma sa akin na si Mr. Kim nga ang CEO ng company. Lumiit ang ngiti ni ma, she sighed.

"Ayos lang naman , halos araw araw siyang pumupunta sa restaurant para kumain"

I know she doesn't like being around  him. There's something happened in the past na ayaw niyang ikwento sa akin. More than I know, something that broke her more than I expected.

"Basta anak wala tayong sino sekreto sa isat-usa ah" She said changing the topic, Tumango ako and she pinched my cheek.

"Opo ma "

"Nga pala kumusta naman kayo ni thristan?"

A smile crept on my face all of the sudden.

"Anong klaseng ngiti yan?" Nang-aasar na tanong ni ma.

"Anong ngiti ma, ganito ako ngumiti" Nag-ngiting aso ako sa kanya kaya tinawanan niya ako.

"Naku dalaga na talaga ang anak ko, alam na niyang mag crush" Ika ni ma kaya natawa ako.

"Ma, Hindi sa ganun , napangiti lang ako kasi naaalala ko kung gaano siya kabait" Napatango si ma sa sinabi ko pero tumawa ulit siya.

"Pero bakit namumula ka?" She continued teasing me at sinundot pa ang tagiliran ko kaya nakiliti ako at tumawa.

_____

Ngayon ay naglalakad ako palabas ng village habang nakikinig ng music gamit ang headset  , malapit na ako sa gate ng mapatigil ako ng makitang nakatayo sa gilid si thristan at nakapikit siya habang tila dinadama ang ihip ng hangin.

The glow from the sunlight made him more attractive.

Dumilat ang mga mata niya at tumingin sa akin, ngumiti siya at kumaway kaya lalong tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Zandria!! Zandria!!" Sigaw niya kaya napakibo ako at lumapit na sa kanya, huminga ako  g malalim at binuga yun bago kumaway pabalik.

"G-good morning" Ika ko bago tinanggal ang headset ,  ngumiti ulit siya.

"Good morning too"

Inabot ko sa kanya yung nasa kamay ko.
"Ah pinapabigay ni ma, sandwich yan na gawa niya "

Worthwhile RomanceWhere stories live. Discover now