Start

57 2 0
                                    

Huni ng mga ibon. Iyan ang una kong narinig habang ako'y natutulog ng mahimbing. Kahit sa panaginip ay kaya ko itong kilalanin. Tunog ng mga kawayan na tila nag iipitan. Amo'y ng kagubatan na nakaka humaling amuyin.

Kaluskos, nag tataka ako bakit ramdam na ramdam ko ang kaba habang ako'y nag iisa. Tila may gumagalaw sa aking paa. Napaka gaspang, samahan pa ng bigla nalang pagkabigat ng aking tiyan.

Tila ginigising ang aking katawan upang damhin ng gising ang kapayapaan. Hindi ko na napigilang imulat ang aking mga mata ng maramdaman ko ang unti unting pag ka-ipit ng aking balat.

Langit ang una kong nasilayan ng hindi inaasahan sa pagmulat ng aking mata. Napakaganda, kulay asul na tila may halong kahel. Ulap na purong kuraw na nag sisimula palang luminaw.


Nilingon ko ang bagay na ginigising ang aking sistema. Isa iyong ibon, kulay malach ang mga balahibo na may halong itim, nakatingin ito sa akin at ako'y pinagmasdan, ng bigla nalang itong lumipad palayo. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking tiyan, tila naguguluhan kung bakit may lumapit ang ibon.



Nasilayan ko ang mga punong nagtataasan. Bakit nag ka puno sa aking kwarto? Ng maramdaman ko ang damo kinabahan na ako. Napalingon ako sa aking kaliwang bahagi. Dagat, tila dagat kung pagmamasdan ang pumapalibot dito at napaka lawak. Itinaas ko bahagya ang aking ulo ng makitang may sumunod na lupa sa kabilang lawa.


Napa upo akong bigla at nakaramdam pa ng pag ka hilo. Ilang segundo akong naka-upo at sapo ng aking kamay ang ulo. Hindi ko mamulat ng maayos ang aking paningin. Patuloy kong ininda ang sumasakit at nakakaduwal na pagkahilo. Dahan dahan akong tumayo at tinukod ang aking kamay upang tuluyang makatamayo. Ang ilang dahon ay patuloy na nangagsisihulog. Pantay ang mga damo sa aking paa kaya't nilibot ko ang aking paningin. Nilingon ko ang lupa habang niraramdam ang damo.


Ako'y natigilan na tila hindi ma-proseso ang aking nakikita. Katawan ng mga tao ang nandito. Katawan na tulad ko, nakahiga din sa damuhan. Hindi ko alam kung buhay o wala lang malay.


Ang pangamba ay sinasakop ang aking sistema. Hindi ko alam kung panaginip o wala lang sa wisyo. Kahit ang takot ang namayani sa aking isipan, hindi ko napigiling lumapit sa mga ito. Tahimik akong lumapit at inobserba ang mga katawan.Hindi na ako naglakas loob pa lapitan silang lahat dahil madami akong nakikita. Hindi ako nag iisa at ang ilan sa kanila ay natatago ang mukha.



May magaganap ba na paligsahan?
Ang aming kasuotan, ito ang damit ng mga taong lumahok sa gera. May telang kaunti ngunit makikita mo ang pagiging madumi dahil ito'y kulay kayumanggi.


Ang aking tsinelas ay tinaling dahon? May matigas itong bagay na aking tinatapakan ngunit may naka tali sa akin pataas hanggang sa aking binte.


Habang pinag pa tuloy ko ang pag mamasid, umihip ng malakas ang hangin. Napapikit ako ng maramdaman kong may pumasok sa aking mata. Kinuskos ko ito ngunit walang silbi. Tinakbo ko ang lawa at lumuhod upang mabasa ang aking muka.

 Napatingin ako sa aking repleksyon sa tubig, nag tataka dahil parang may mali sa aking itsura. Mas bata ako kung pagmamasdan. Ito ang aking itsura ng ako'y 13 years old.

Kilalang kilala ko ito dahil sa pagiging bilugan at katamtamang pag ka taba ng pisngi pati ang maikling buhok!


Inilapit ko pa ang aking muka sa tubig at hinawakan ang buhok. Totoo nga, sino ang naglakas loob putulan ang aking buhok? Halos mag muka akong batang nasa telebisyon na walang alam kundi mag lakwatsya!


Tinuyo ko ang aking muka gamit ang maduming tela na aking damit ng makita ang itim na hugis bilog na marka sa kamay. Kahit ilang beses ko iyong pilit inaalis sa aking palad, ay hindi iyon mabura-bura na parang inukit na tattoo.


Maya-maya may narinig akong pag ubo.Nilingon ako kung saan nanggagaling ang sunod sunod na ingay

Naka-upo ito habang naka talikod sa akin. Pinagmasdan ko ang kanyang likod at pag kilos. Maikli ang buhok nito at sa tingin ko'y isa ding binata. Napalingon din ito sa paligid, kinamot nya ang kanyang  ulo at hinawi ang mga dahon sa katawan.

Napa-tayo ako ng makita kong parang naging agresibo ang kanyang pagkilos. Sa tingin ko'y naramdaman nya ang aking presensya sa kanyang pag tayo.



Lumingon sya sa akin.

Sa unang sulyap ay nakilala ko na kung sino ang aking kaharap.
Mas bata ang itsura ngunit kilalang kilala ko.

Nagtataka din ang kanyang tingin sa akin at naguguluhan sa paligid. Napansin nya ang mga katawan na nakahiga din sa damuhan. Nanlaki ang kanyang mata at tinakpan ng kamay ang bibig.

Lumapit ako sa kanya at hindi napigilang pitikin ang kanyang nuo.
Hindi ito isang panaginip dahil naramdaman ko ang init ng kanyang nuo.



Nilingon nya ulit ako, pipitikin ko sana ulit ang kanyang nuo nang hawakan nya ang aking kamay upang pigilan. Sinong mag aakalang muli kong makakasama't makikita sya? 


"Nasaan tayo?" Sya ang unang nag salita sa amin.

Hinawi ko ng katamtaman ang kanyang kamay. Nakakapanibago, bata talaga ang kanyang mukha! Ang mga ibon ay unti-unting nag simulang mag awitan. Nilingon ko ulit ang ibang nagliliparan. 



"Pumunta ka sa tubig at tignan mo ang itsura mo" Ako

Ang mata ko'y naka tutok parin sa itaas ng maramdaman ang pag-alis niya sa aking harapan. Isa ba itong panaginip o biro ni Lord, nasaan ako?


Nag sisimula nang tumaas ang araw. Sa tingin ko'y alas sais palang ng umaga. Ang liwanag ay tumatama na sa aking mga mata kaya pinang harang ko ang aking palad.

"Ano to? Bakit bata ang aking itsura? Bakit ganito?" Pataas ng pataas ang kanyang boses bawat salita

Nilapitan niya na ako ng mag tagpo muli ang aming mga mata.


" Bakit mukang bata ang ating mukha? Ikaw din! " Saad ni Sebastian


'' Sebastian nasaan tayo?'' Ang takot ay humalo na sa aking boses




Napalingon kami sa mga katawan na nagsisimulang ng magkaroon ng malay.


Kilala ko silang lahat, namukaan ko silang lahat.
Ang memorya ng mga taong nakilala mga taong naka salamuha ko sa paglaki ay nakatatak sa aking memorya.

At katulad naming dalawa ni Sebastian, pare-pareho kaming nasa katawan ng aming pagka bata.


Limang taon na ang nakararaan...






————

SIMULA NG PAGLALAKBAY.

BE THAT AS IT MAY (On-going)Where stories live. Discover now