TUP: Chapter one

1 0 0
                                    

THIRD PERSONS POV

Sa loob ng isang malaking palasyo na pinamumunuan ng Hari at Reyna ng kanilang kaharian, bilang pinakamataas na kaharian sa kanilang daigdig, may kasiyahang nagaganap. Mga taong hindi halos magkandaugaga sa pagkilos ang makikita sa labas ng kaharian. Mga kawal na nag-babantay sa lahat ng sulok ng kaharian, mga kawal na nakakalat para sa mahigpit na siguridad, dahil ngayong araw ipapakilala ang dalawang nilalang na itinuturing bilang kayamanan ng kanilang kaharian.

Ito ang tradisyon ng lahat ng mga nakakataas na opisyal at ng mga maharlika, ang ipakilala ang kanilang mga anak o di kaya ang kanilang mga taga pag-mana.
Ngayon ay ang nakatakdang oras upang ipakilala sa mundo ang mga prinsesa ng pinakamataas na kaharian na nagsisilbing pinakamataas sa lahat ng uri ng mga maharlika.

Sa silid ng dalawang prinsesa na parehong naghahanda na harapin ang lahat ng tao ay naroon ang Hari't Reyna, tumutulong sakanilang paghahanda.

" Father" tawag pansin ng nakatatanda.

" Ano iyon anak?" Balik tanong ng kanyang ama.

" Talaga po bang kami lang dalawa ni Aria ang inyong ipapakilala?" Kinakabahang anas niya, napapalunok pa.

" Hindi ko batid kung ano ang kanyang pipiliin anak ko, ngunit isa lang ang nais ko, kung saan siya masaya ay doon ako." Nakangiting sagot ng ama ngunit nandoon ang pangangamba.

" Ngunit ama, hindi ba't importanteng nandoon siya?" Anas ng pumapangalawa sa panganay.

Nagakatinginan ang mag-asawa at sabay na bumuntong hininga. Alam nilang pareho kung sino ang tinutukoy nila, ngunit iba ang nais ng pumapangatlo sa dalawa.

" Alam kong siya ay maharlika ngunit hindi natin siya pwedeng pilitin sa isang bagay na hindi niya kaya at alam nating lahat na hindi ito ang nais niya." Ang sumagot ay ang ina, ang mga salita ay nagpapaintindi at para malinawan ang dalawa.

" Siya ang importante dito ama, hindi siya pwedeng mawala sa ating paningin at baka- huh!" Napasigaw na si Aria ang pumapangalawa kay Merlia, dahil sa takot na nararamdaman para sa kapatid na nakababata.

" Alam ko, alam ko Aria, ngunit mas mabuti na ito hindi ba?" Anas ng ama na hindi napigilang putulin ang nais tapusin ni Aria na sasabihin.

" Pero-" naluluha na si Aria, hindi alam kung ano ang sasabihin sapagkat tama ang ama.

" Tama ang inyong ama Aria, Merlia mas makabubuti sa inyong nakababatang kapatid ang manatiling lihim ang kanyang pagkatao sa iba, hindi ba?" Nandoon padin ang pangungumbinsi sa tinig ng kanilang inang reyna.

Di maipaliwanag ng dalawa ang kanilang nadarama, sapagkat alam nilang pareho na iyon ang mas nakabubuti para sa nakababatang kapatid. Hindi nila mabatid kung tama ba ang kanilang naging pasya, ang magpakilala na sa buong Archadia at sa mga Archadian na pinamumunuan nila bilang pinakamataas na maharlika sa buong Archadia.

_________

Samantalang sa isang silid kung saan walang sino man ang nadadaan ay may isang nilalang na mabusising nag-iisip sa kanyang dapat na maging pasya. Isang silid na nagmumukhang tambakan ng mga lumang gamit sa palasyo na nakalagay sa may pinaka-dulong bahagi ng pasilyo sa taas ng palasyo. Kung iisipin mo ng maigi sinong tao ba ang maglalagay ng isang bodega sa itaas ng palasyo? Hindi ba? Ang pasilyo na iyon ay hindi masyadong dindaanan ng mga taga pag silbi sapagkat ito ay nasa may pinakadulo na bahagi at ang daan dito ay sobrang maliit. Doon nagmumuni-muni ang isang tao, nakaupo sa malaking kama at tinatanaw ang maliit na bintanang sapat na para makita ang ginagawa ng mga Archadian sa labas ng palasyo.

Tumayo siya sa kama at bitbit ang kanyang magarang damit na ibinigay sakanya ay isinukat niya sa kanyang sarili at bumuntong-hininga, umikot siya sa ere na tila sumasayaw ngunit ang kanyang mukha ay walang bahid ng kahit na anong emosyon, sapagkat ang bestidang iyon ay masyadong magarbo at hindi niya gusto. Tumigil siya sa pagikot-ikot sa ere at sumulyap sa kama na agad niyang ikinangiwi, mga damit pambabae, isang pares ng sapatos na akala mo ay ang gumawa ay galit na galit sa paglalagay ng takong nito, sobrang taas ng takong nito na habang iniisip niyang isuot iyon ay wala panga ay tila siya ay natatapilok na. Babae siya ngunit ang mga damit ng isang tipikal na babae ay hindi pasok sa kanyang panlasa.

Bumalik siya sa pag-upo sa kama at sinulyapan ang kwartong kinaroroonan niya, kwartong halos walang buhay pero sobrang laki, mga gamit na mamahalin na gawa sa ginto, mga bagay na hindi naman niya gusto, sa aparador dumako ang kayang paningin, nakabukas ito at makikita ang mga damit sa loob nito, mga damit pambabae, mga bistida na kulay rosas ang makikita sa loob nito kaya napa-buntong hininga siyang muli dahil sa mga nakikita.

" Ano kaya ang dapat kong gawin?" Bulong niya sa hangin.

" Hay!." Buntong-hininga niya at humiga sa kama.

Makalipas ang ilang segudong pag-tingin sa ceiling ay may naisip siyang ideya.

_____

Nagsimula na ang seremonyas at mga bulungan ng mga Archadian ang maririnig sa buong palasyo ng Elementia ang pinakamataas na kaharian sa buong Archadia.
Ang hari't reyna ay naka-upo na sa kanilang trono, kumakaway sa kanilang mga pana-uhin na kung tutuusin ay halos lahat ata ng taga Archadia ay dumalo sa pagtitipon-tipon para sa pagpapakilala ng Hari at ng Reyna sa kanilang mga anak.
Ang mga opisyal ay nasa pangalawang hanay ng mga upuan sa labas ng palasyo.

Kung tutuusin ang pagtitipong ito ay siguradong tatatak sa kasaysayan ng mga Archadian.

Nagsimula ng magpatugtug ang mga musikero ng kaharian, isang nakakakilabot ngunit nakakamanghang tugtugin ang kanilang pinatugtug, isang tugtugin na senyales ng pagdating ng mga tagapagmana ng kaharian ng Elementia, sa likod ng pwerta patungo sa pinakasentrong bulwagan, nandoon ang dalawa, iisipin mong hindi nagkaroon ng pagtatalo kanina. Walang ibang nakatatak sa mukha kundi ang ngiting aakalain mong masaya.

" Sana ay tama ang naging disensyon nila ni ama at ina, natin, ate." Malungkot na tinig ngunit nakangiting mukha ni Aria ang makikita.

" Alam kong lahat ng ito Aria ay may dahilan ngunit nasisisiguro kong may kapalit ang pagpoprotekta natin sa kanya, at kung dumating man ang panahong iyon ay tiyak kong hindi lang tayo ang masasaktan." Mahabang paliwanag ni Mirlea, hindi man sigurado ngunit yun ang nakinita nya, hindi man alam ng iba pero alam niyang lahat ng disesyon nila ay may kapalit, dalawa lang iyon magiging masaya sila o masakit na karanasan ang aabutin nila.

Nasa kamay na yun ng pinakabata nilang kapatid, ang disesyon sa daang tatahakin niya.

Hindi alam ng lahat na sa taas ng higanteng orasan ng palasyo, sa tuktok nito, naroon ang isang taong kanina pa nagmamasid sa kasiyahan at sa seremonyas na nagaganap.

Nakangiti, ngunit mapait, iyon ang makikita sa mukha ng balingkinitang babae ngunit kung sa mata niya ikaw ay titingin, huwag kanang umasang may mababasa kang kaayayang emosyon.

" Guess I don't belong here."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon