Chapter Fifteen

9 2 0
                                    

#HNA15

──────── ⋆ ⋅☽ ⋅ ⋆ ────────

Fourthsky Reid Ramirez

I never wanted to be in a position where I am the one making a girl cry — I never even imagined myself making someone cry. I love my mother more than anything in this world at saka may kapatid ako na babae kaya bakit ako mananakit ng kapwa nila babae? Papa also never failed on reminding me that in every single thing that I do in life, making a girl cry should never be a part of it dahil paano na lang kung ang kapatid ko naman ang paiyakin, hindi ba? Paano kung ang nanay ko naman ang saktan nila?

But for the first time in my whole life. . . I failed.

"B-bakit, S-sky? Pupuntahan mo na naman siya?" Humihikbi na tanong ni Tatianna. "H-hindi ba pwedeng. . . hindi ba pwedeng dito ka na l-lang?"

Hinila ko siya palapit sa akin bago ko siya niyakap. "Tati, tahan na. . ." Sabi ko pero lalo lang niya nilakasan ang pag-iyak. Unti-unti nang nadudurog ang puso ko sa bawat pagpatak ng luha niya sa damit ko. "Uuwi naman ako agad, e."

Ayaw na naman niya akong umalis.

Tulad ng dati.

"W-wag. . . Hindi ko k-kaya. . . Dito ka na lang, Sky. . . Hindi ba pwede 'yon?" Pumiyok na siya sa sobrang iyak. Wala akong ibang masabi kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag hagod sa likod niya. This trip was already planned even before my graduation. Lahat ay planado na; maayos na.

The only thing that was left for me to do was to bid goodbye to her.

Ayaw ko naman kasing umalis ng hindi siya sinasabihan dahil simula ng tumuntong kami sa senior high, napapadalas na ang pagtambay niya sa bahay o kaya sa office. Kung aalis ako ng hindi nagpapaalam, lalo lang sasama ang loob niya sa akin.

"Lalo lang mahihirapan si Tati kung lagi mong susundin ang gusto niya," seryosong saad ni Kazuo habang inaayos lahat ng gamit na naka-kalat dito sa music room niya. "Kung hindi mo naman kayang panindigan, p're, don't give her false hope."

"Nilinaw ko naman sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko, Bro!" I frustratedly said while running my fingers through my hair. "Para ko na siyang kapatid, Kazu. . . Hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang siya bigla. . ."

"Kazu's right, Fourth," Damon said. "You should stick to your plan. Ilang buwan mo nang inaasikaso 'tong pag-alis mo, 'di ba? Tumuloy ka na. Tati will only get hurt more if you'll always follow what she wants, save her every time she needs to be saved, and run to her in an instant if she calls."

"Mali ba 'yun?" I looked at him with my bloodshot eyes.

Hindi ko kayang gawin 'yun kay Tatianna.

Para ko na siyang kapatid.

At isa pa, hindi ako nagpapaiyak ng babae.

"Nagiging mali lang ang isang bagay kapag sumosobra na o nagkukulang," sabi ni Samuel. "And in your case? Sumosobra ka na. She shouldn't be part of your responsibilities in the first place. O, sige, sabihin na natin na para mo na siyang kapatid pero ganiyan din ba si Ate Sofia sa 'yo? Pinapahirapan ka rin ba niya ng ganiyan? Si Astrid? Tropa naman natin siya, kapatid din naman ang turing ko sa kanya pero hindi siya ganiyan umasta, ah?"

Realizations started to kick in.

"Tangina. . ." Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalaw kong kamay.

Tama sila, e.

Kung malinaw sa akin na bilang pagiging magkaibigan at magkapatid lang ang namamagitan sa amin ni Tatianna. . . baka sa kaniya hindi.

Hampas ng Alon (Puhon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon