Chapter 3

52 2 1
                                    

"Gusto mo bang sumama sa'min mamayang lunch?"

Hindi ko agad narinig yung tanong ni Melizette dahil nga sa suot ko na ulit yung earphones ko. Kung hindi ko napansing nakatingin siya sa'kin baka hindi ko na talaga nasagot yung tanong niya. Agad kong inalis ulit yung earphones ko at tsaka siya tinignan, "Ano nga yung tanong mo?" 

"Kung gusto mong sumama sa'min mamayang lunch. O uuwi ka ba sa inyo? Ang alam ko kasi sabi ng iba nating kaklase umuuwi ka raw palagi pag lunch eh. Hatid-sundo pa." Pagpapaliwanag niya. Napabuntong-hininga ako nang marinig yun. Ayaw ko mang aminin, pero totoo. Kahit gusto kong maranasan kahit papa'no ang sumakay sa tricycle, maghintay ng multicab, o yung simpleng pagcommute lang, hindi ako pinapayagan. 

Kasi ang sabi sa'kin noon ni mom, "If I allow you to, parang pinapayagan na rin kitang pumunta sa kung saan. At parang pinapayagan na rin kitang umuwi ng gabi na. Ang paguwi ng gabing-gabi na ay hindi oras ng paguwi ng isang matinong babae, Zoe." 

Umiling ako para makalimutan na ulit yung sinabi ni mom at tsaka tinignan si Melizette. "Gusto ko sana, pero ayun nga, susunduin ako. Gusto niyo bang doon na lang sa bahay maglunch?"

Ha?

Gusto niyo bang doon na lang sa bahay maglunch?

Gusto niyo bang doon na lang sa bahay maglunch?

Gusto niyo bang doon na lang sa bahay maglunch?

Nagpaulit-ulit pa yun sa utak ko at tsaka ko lang napagtanto kung ano yung sinabi ko sa kanila. Hindi pwede! Hindi sila pwedeng pumunta sa bahay kasi walang katapusang pagtatanong ang gagawin nila dad at ang pinakamalala pa, ay baka paimbestigahan pa sila kagaya ng ginawa dati kay Amelia noong elementary palang kami. 

"Uy tutal nag-aya 'tong unica hija-" Hinampas na naman ni Melizette si Lucien kaya sinamaan na siya nito ng tingin. "Hoy! Gusto mo lang makatakas eh, ikaw manlilibre ngayon. Diba Luan?" Tanong pa nito. Natawa ako nang magsimulang magbangayan yung tatlo kahit na nasa loob kami ng library. Yun pala kasi, si Lucien dapat ang bahala sa pananghalian nila ngayon pero pinipilit nito na si Luan na at hindi siya. 

Kaya naglabas pa ng reminder si Melizette na si Lucien nga talaga ngayon. 

At nang matapos sila dahil nagpatalo na lang si Lucien, ay tumingin na ulit sa'kin si Melizette. "Thank you sa pag-aya, pero next time na lang."

Ngumiti ako at tsaka tumango. 

Bumalik na kaming lahat sa pinagkakaabalahan namin at muli nang namayani ang katahimikan sa table namin. 

Habang abala sila sa kani-kaniyang ginagawa ay palihim ko silang tinitignan isa-isa. Oo nga't kaklase ko sila ngayong taon pero mahirap na, baka may mga habol talaga 'to sa'kin. At hinding-hindi ako papayag na mapagsamantalahan ako. 

Isang beses ay nagkatinginan kami ni Lucien at hindi ko alam kung bakit agad akong umiwas. Siguro kasi masyadong nakakatakot yung tingin niya. Hindi pa nakatulong na para siyang galit at lahat ng nakapaligid sa kanya ay kaaway niya. 

Makalipas ang ilan pang oras, natapos ko na yung dalawang literature review kaya napainat ako. Hindi ko naman sinasadyang masipa yung paa ni Luan kaya agad akong humingi ng tawad, nang hindi lang isang beses kaya nagsimula na siyang matawa. "Huy, hindi naman ako napilay. Tama na, okay lang." Saad niya pa para lang tumigil ako. 

Tinanguan ko na lang si Luan na siyang pinapaulit-ulit nang okay lang at hindi naman daw gaanong masakit. Binalik ko na yung atensyon ko sa laptop ko pero bago pa man dumapo sa keyboard yung mga daliri ko ay tinawag ni Lucien ang pangalan ko. Kinakabahan pa 'kong tumingin sa kanya at ginawa ko ang lahat para hindi tumingin sa mga mata niya na parang nakikita na pati kaluluwa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

June: Bridge to CrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon