Move on

62 3 0
                                    

Late at night, I'm still awake. Waiting for my parents to go home.

Nakaupo lang ako sa kama ko when my cellphone starts to vibrate.

Tinatamad pa akong kunin yung phone ko sa bedside table dahil may ginagawa pa akong importante.

Hawak-hawak ko kasi yung malaking box ngayon. Yung full of memories namin. Nandito lahat ng mga ibinigay niyang stuffs sa akin.

Hindi ko pa rin ito tinatapon simula nung iwan niya ako, o nung sinaktan niya ako.

Sobrang nakakalungkot lang kasi kung itatapon ko nalang bigla ito. Parang tinapon ko na din yung pinagsamahan naming dalawa.

Sabagay, iniwan na din naman niya ako eh. Para saan pa 'tong box na to, di ba?

Nang matapos kong ayusin ang nilalaman ng box na iyon, tinago ko na muna ito sa cabinet ko. Kinuha ko na din yung cellphone kong kanina pa vibrate ng vibrate.

3 messages received

Una kong binuksan yung pinakababa, ibig sabihin, siya yung pinakaunang nag-text.

From: Ken

Babe. Patawarin mo na ako, please? Sorry na sa mga nagawa kong kasalanan. Hinding-hindi na talaga kita sasaktan. Pinagsisisihan ko na yung mga nagawa ko sa iyo kaya, please, sorry na. :(

Ohmyg! S-si K-ken, nagtext? After 27 days, ngayon pa lang talaga siya mag-tetext, ha? Hindi ko na muna siya nireplyan at in-open ko pa ang ibang message.

From: Mommy

Anak, hindi pala kami agad makakauwi ng dad mo, ha? Inimbita pa kasi kami ng ilang mga kaibigan namin sa isang party eh. Kaya wag mo na kaming hintayin. Baka mga 1:30am na kami makauwi. Ingat ka nalang dyan, pati yung kapatid mo. Loveyou nak! :*

Hay. Hinintay ko pa naman si mama. Anyway, wala na din naman akong magagawa kaya nireplyan ko na agad siya. Katapos, tinignan ko na yung kahuli-hulihang nagtext.

From: Jerome

Hi Steffie. Wag kang magpupuyat, ha? Ingat ka. Palagi mong tatandaan na mahal kita. Goodnight. See you tomorrow. :)

Jerome, argh. Kahit kailan talaga, mapang-asar tong isang to. Hindi ko tuloy alam kung rereplyan ko pa ito o hindi. Pero, nireplyan ko nalang din. Kawawa naman eh haha.

Naalala ko nga pala, nagtext din si Ken. Rereplyan ko pa kaya siya? Hay. Ang hirap namang mag-decide eh. 2 years din kasi kami. Sobrang sakit lang nung nangyari.

Di ko alam kung babalikan ko pa ba siya dahil mahal ko siya, or not, because di niya deserve yung love ko.

Tama na nga yung pag-iisip. Ayoko na. Matutulog nalang ako.

KINABUKASAN

"Steffie! Pumunta ka pala sa harap ng building. Kailangan na kailangan lang." biglang sigaw sa akin nung isa kong kaklase.

Napaisip nalang ako kung bakit. Na-curious nalang din ako, edi pumunta na ako doon.

Laking gulat ko nalang sa nakita ko.

"Steffie? Oh ano na? Anong magiging sagot mo?" tanong ni Jerome habang nakangiti sa akin. Iniabot din niya yung boquet of red roses sa akin.

Pagdating ko kasi dito sa harap ng building, ang daming tao. May mga pictures kasi namin ni Jerome na nakasabit sa isang puno na makulay, sa harap iyon ng building. May nag-form doon na words, or should I say, sentence or question. "Can I court you, Steffie?"

Move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon