Halos pasigaw na akong kumakanta dito sa banyo
Habang hinahayaang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko
Ngayong gabi ay mayroong magaganap na pagdiriwang ng kaarawan ko
Dapat ay masaya ako, dahil sa pagdiriwang na pinlano
Subalit kabaliktaran nito ang lubos na nararamdaman koIto, sasabihin ko sa inyo kung bakit
May isang kaibigan ako na minamahal na sa iba'y nakahihigit
Pagsasama nami'y masaya at puso ko sa kanya'y nalalapit
Kakaibang pakiramdam kapag sa kamay ko siya'y nakakapit
At kapag ako'y nalulungkot, nariyan ang kaniyang yakap na mahigpit
Subalit..Noon lamang nakaraang dalawang linggo
Napag-alaman kong siya raw ay may ibang gusto
Isang babaeng maganda't matalino
Simple, ngunit maraming talentoDumistansya ako sa aking kaibigan
Dahil baka hindi ko makaya ang sakit na nararamdaman
Ibang mga kaibigan ko din naman ay nariyan
Pinapasaya nila ako, pinapatawa, at tinutulunganAyaw ko mang ituloy ang pinlanong pagdiriwang na ito
Dahil alam kong nariyan sya at baka maging mahina ako
Ngunit hindi maaaring itigil ito
Dahil tiyak na magagalit ang mga magulang koNagsimula na ang tugtugan at sayawan
Maraming mga bisita na ang nagsisidatingan
Ako ay lubos na kinakabahan
Pagka't baka makita ko siya at kami'y magkahiyaanGayunpama'y hinanda ko na ang aking sarili
Wala akong pakialam kung masira man ang aking gabi
Basta't ipapaalam ko na sa kanya na puso ko'y sya ang tinitili
Hindi ko inaalala kung pagkakaibigan man nami'y mananatiliPero sabi nga nila, araw ko ito
Dapat maging masaya ako
Tanging hiling ko ay makasayaw siya sa entablado
At pagkatapos noon ay aaminin ko na ang nararamdaman koSusugal ako, oo, susugal ako
Isusugal ko ang pagkakaibigan namin para sa nararamdamang pagmamahal na'to
Tatanggapin nang buo kung mauwi man ito sa pagkatalo
Mas maigi kung ganoong muling pagbangon na lamang ang poproblemahin koAyan na, pakikipagsayaw sakin ay nagsisimula na
Isipan ko'y lumipad kanina pa, kasayaw ko'y sino na ba?Sa pagbanggit ng emcee sa kanyang pangalan
Puso ko'y tila tambol na nagtutugtuganSiya na ang kasunod na makipagsasayaw sa akin
Dito sa entablado, kung saan magaganap ang aking pag-aminHumawak siya sa aking baywang at ako nama'y sa balikat niya
"Kamusta na, kaibigan kong maganda?"
Ganyan talaga siya, mahilig mambola
"Ayos naman, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa---"
"Mahal kita..."
Natigilan ako sa mga salitang kumawala sa bibig niyaTeka, naguguluhan ako.. "Ano ulit iyong sinabi mo?"
"Mahal kita, mahal na mahal kita" muling sabi ng lalaking kaharap ko
"Ano? Bakit? Paano?" sunod-sunod na tanong ko
"Hindi na mahalaga kung papaano, nais ko lamang malaman ang sagot mo"
"Anong sagot ang tinutukoy mo? Naguguluhan na ako"At doon ay nalaman ko na ang totoo
Na ang mga kaibigan namin ang nagplano
Palusot lamang na may iba siyang gusto
Para sa sorpresa nilang ito sa kaarawan koNakakagulat na alam din ng mga magulang ko ang kanilang pinlano
Sama-sama silang nagplano kaya't di hinayaang hindi ituloy ang pagdiriwang na ito
Ito na yata ang pinaka-magandang natanggap kong regalo
Ang pagpayag nila na manligaw sa akin ang lalaking kasayaw ko sa entablado