Chapter 29.

202 1 0
                                    

Mika's POV

*****

Gumising ako ng maaga para makita si Jean mark gusto ko sana syang makasama kahit ngayon lang,sa isang araw na kasi sya aalis papunta ng America :(

Pumunta ako ng kusina para magluto ng kakainin ko.Kinuha ko yung Phone ko at tinext ko sya.

-Babe,Nasan ka ngayon?Pwede ba tayong magkita,Please?Malapit kana kasi umalis eh.Gusto lang sana kita makasama :)

Message sent √ 7:30 Am.

******

Dalawang Oras ko hinintay yung reply nya,siguro busy?Pero hindi eh sinubukan ko syang tawagan pero hindi din nya sinasagot.Saan naman kaya sya pupunta?

Gusto ko lang naman sulitin tong araw na to na magkasama kaming dalawa.Kahit ngayon lang,Kaso wala naman sya.

Naisip ko na puntahan sya sa bahay nya para mabisita ko na din si tita reanne.Nagdrive na ako para maaga akong makarating sa kanila.

****

Nandito na ako sa kanila kaya tumawag ako kaya pumasok na ako sa loob at kumatok sa pinto,Agad naman akong pinagbuksan ng pintuan at bumungad sa harapan ko si tita reanne,Inakap ko sya.

Hi po tita.Kamusta na po kayo ?

Okay lang ako anak,Ikaw kamusta kana? - Tita

Okay lang po ako.

Halika pumasok ka muna sa loob - Tita.

Pinaupo nya ako ,Sobrang laki talaga ng bahay nila jean mark,at hindi maikakailang mayama sila.

Mika,Anong gusto mong kainin? - Tita

Ay sige po tita kahit ano nalang po :)

Dinalhan naman ako ni tita reanne ng makakain at nagkwentuhan na kami.Nakalimutan ko palang itanong kung nasaan si jean mark.

Bakit ka pala pumunta dito anak? - Tita

Ah tita gusto ko lang po kayo dalawin at the same time gusto ko din po makita si Jean mark.Nasaan po ba sya?

Salamat naman. - Tita

Nagtaka lang naman ako kay tita kung bakit nya hindi sinagot ang tawag ko nung tinanong ko kung nasaan si jean mark.

Ah eh tita malapit na po umalis si Jean mark,Gusto ko lang po kasi sya makita ngayon :) Alam nyo po ba kung nasaan sya?

Pasenya kana hindi ko din alam kung san sya nagpunta ngayon - Tita

Ay ganun po ba tita,Maaga po ba syang umalis?

Kitang kita ko sa muka ni tita na hindi sya sigurado sa mga isinasagot nya sa tanong ko.

Ah..eh.. oo.. kaya hindi ko sya nakita - Tita

Hindi po kasi sya nagrereply sakin saka hindi nya din po sinasagot yung mga tawag ko.

Bigla namang napayuko si tita reanne at sobrang lungkot ang puminta sa mukha nito.

Tita may problema po ba?

Wala anak,Mahal mo naman ang anak ko diba? - Tita

Nagulat ako sa sinabi nya.Hindi ko akalaing itatanong nya sa akin yun.

Oo naman po tita.

Mahal na mahal ka din ng anak ko.Ngayon ko lang sya nakitang ganito.Kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay nya.Palagi nyang ikinukwento sa akin kung gaano ka kabait na bata. Sa akin nya din sinasabi kapag nagaaway kayo.Malaki ang ipinagbago nya simula ng makilala ka nya.Hindi ko alam kung bakit.Alam ko namang mahal mo din sya.Sinabi nya sa akin dati na balang araw ikaw ang kasama nyang lalakad papunta ng altar kung papayag kang magpakasal kayong dalawa.Pero ngayong mga nakakaraang araw, Malungkot sya ayaw nya sabihin sa akin kung bakit.May iniwan sya sa aking sulat sabi nya basahin mo daw iyon, Maaga syang umalis kanina,At iniwan nya yun sa lamesa.- Tita

NO ORDINARY LOVE ( Bestfriend )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon