Ryan's POV

53 3 0
                                    


Nandito ako ngayon sa kotse,Hindi pa din ako bumababa hindi ko pa din matanggap na niloko lang pala ako ni vernice,Kaylan kaya ako makakahanap ng babaeng magpapasaya sakin,Masaya ako dahil naging bestfriend ko na si mika.Mayron na akong makakasama araw araw

Pero Lord unang panliligaw ko to sa babae pero bakit nasaktan pa ako?

Wala pa akong nagiging girlfriend,At si vernice palang ang una kong niligawan

Sobrang saya ko...

Kasi si mika lang..

Si mika lang ang nagpapasaya sakin ng ganito

Ang lungkot lang dahil

Ngayon ko lang sya naging bestfriend

Pero masaya pa din ako dahil naging parte sya ng buhay ko.

Iniisip ko kung bakit hindi nagkakaboyfriend si mika

Ang ganda ganda naman nya,Mabait ,Matulungin, Joker,Nasa kanya na ata ang lahat.

Malaki ang naitulong nya sakin dahil tinulungan nya akong ligawan ang maling babae.

Natutuwa ako kapag naalala ko yung una ko syang nakasabay bumili sa canteen.

Tumulo pa yung laway nya nun.

Haha,Siguro natulala sya sa kagwapuhan ko.

Sa gwapo ko na to bakit naman sya hindi matutulala?

Hahahahahaha

Hindi ko talaga makakalimutan yun.

Dahil sobra akong natawa sa kanya nun

Ang cute nya,Lalo na sa malapitan

kahit medyo chubby sya

At mukang ang bait bait pa

Sayang nga lang at tumakbo pa sya paalis

Hindi manlang kami nagkausap

Gusto ko sana syang makilala ng lubusan

NapakaAngelic face nya,Ang ganda ganda ng mga mata nya, Para syang anghel ng bumaba sa langit.

Tulog na kaya sya ngayon?

Parang gusto ko syang makausap

Nakakawal kasi sya ng stress

Feeling ko kapag kausap ko sya

nawawala lahat ng problema ko

Sobrang nakakatawa kasi sya

Ang sarap nyang kasama

*****

NO ORDINARY LOVE ( Bestfriend )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon