Chapter 3

4 0 0
                                    

That kiss is one of my most unforgettable moment.

Nagising ako ng 7:30 kaya lang nakaramdam ako ng kaba ng malaman na walang Jeff na makikita sa tabi ko. Tumingin ako sa paligid at napadako ang paningin ko sa left side ko at nakita ko ang isang boquet ng red roses at may kasamang letter na nakasulat ay...

Dear Maxene,
Last night was the best night of my life. Salamat sa lahat lahat. Thank you kasi napasaya mo ko sa loob ng isang buwan at sa isang buwan na yon ay ang pinakamasayang isang buwan ng buhay ko. Wag mong kakalimutan na mahal kita, hindi lang sa isang buwan but I will love you for the rest of my life. I love you! Always remember. I'll be back for you....

Love,
Jeff

Dali-dali akong bumaba. Hinanap ko sya kung saan saan. Nagtanong ako dun sa front desk pero sabi umalis daw na wag daw ipaalam sakin na pupunta syang airport.

"What?! Pumunta syang airport?! Bakit daw? Sino ihahatid nya?" Nagpapanic na talaga ako kasi takot akong iwan nya ko.

"Ahm... hindi ko po alam ehh. Pero ayaw niya pong ipaalam sa inyo. May dala po syang malaking maleta, mukang aalis po sya."

Pagkarinig ko sa sinabi nya, tears started to fall from my eyes. Pinahid ko ang mga luha ko at saka tumabok para pumunta sa airport.

Pagdating ko sa airport hinanap ko agad si Jeff hanggang sa nahanap ko sya at tinawag ko sya. Lumingon sya sakin at nilapitan ako. Pagkalapit nya sakin....

"Walang hiya ka! Gago ka! Pakshit ka! I hate you!" Humahagulhol na ko.

"Huh? Bakit?"

"Ehh gago ka pala talaga eh! Tinatanong mo ko kung bakit?! These past month ang sweet mo sakin tapos sinabihan mo ko ng mahal mo ko tapos hinalikan mo pa ko tapos tatanungin mo ko kung bakit?!" Halos lahat na ng tao nakatingin na samin.

"I'm sorry, pero totoo naman yun lahat ehh."

"Pero bakit ka aalis? Bakit mo ko iiwan?"

"Na-promote ako sa work at kailangan ko magtrabaho sa Canada. Pero babalik ako. Pinapangako ko sayo babalikan kita at ipagpapatuloy natin ang mga naiwan natin."

"Hindi ako sigurado kung kakayanin ko." Nanginginig na sabi ko.

"Kung mahal mo talaga ko, hihintayin mo ko. I need you to promise me that whatever happens you will wait for me. Promise me you will never let go of this promise. Ok."

Parang sasabog na ang puso ko sa mga sinasabi nya. Hindi ko alam kung makakayanan ko to o paninindigan ko at tutuparin ito. Basta ang gusto ko lang magyari ay sana lahat ng desisyon na gagawin ko ay tama.

"Pangako. Pinapangako ko na hihintayin kita. Pero ipangako mo din sa akin na babalikan mo ako."

Sana tama itong desisyon ko. Sana walang masamang mangyayari kung magkalayo man kami.

"Oo, babalikan kita. Pinapangako ko sayo."

Bago sya umalis... hinalikan muna nya ko saka pinisil ang pisngi at ngumiti. At dun na tumalikod at iniwan na ko.

Kahit nakakahiya na dahil iyak pa rin ako ng iyak sa airport. Hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak ko.

---
After 3 days

Pumunta ako sa isang coffee house para sana magpalamig. Habang hinihintay ang aking order at hindi ko maiwasang matulala. Bigla ko nanamang naisip si Jeff at hindi ko na napansin na tumulo nanaman pala ang aking mga luha. Kaya lumabas na lang ako ng coffee house. Nakayuko ako habang naglalakad kaya hindi ko makita ang dinadaanan ko. Kaya may nakabangga akong isang guy.

Ticket of Love (in your dreams! :P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon