II.

30 3 0
                                    

Question Mark,
Hi. It's been a while Simula ng sulatan kita. And bilis ng panahon, no? Parang kahapon lang, inaasar pa kita. Tingnan mo naman ngayon. Bakasyon na. Kamusta ka na? Paramdam-paramdam din pag may time ha. Miss na kita e. Kahit isang text lang na nagsasabi na "okay lang ako, point. :)", okay na ako. Pero please lang naman ha. Kung magtetext ka, wag ka naman magtetext kung kailan magkakandamatay ka na. Bastos ka. Idinamay mo pa ko. Mamaya diyan, may taong mananakit sayo tapos nagtext ka ng dying message sa akin. Nako ha. Bata pa ako para makulong. -_- Nako. Subukan mong gawin yan at ako mismo ang kakaripas sa bahay ninyo at ibibitin kita patiwarik.:D Hihi. Ah! Galit ako sayo. Tuloy na tuloy na talaga yung alis mo. Iiwan mo na ako. Tae ka! Hindi mo tinupad yung pangako mo. Sabi mo, ikaw yung magtatanggol sa akin kapag binubully ako. Ikaw nga yung isa sa mga dahilan kung bakit ako pumapasok sa school araw-araw tapos aalis ka? >_< Hayy. Ang sakit lang isipin na mapupunta ang lahat sa wala. Yung tawa mo, yung ngiti mo, yung kakulitan mo, magiging memories na lang sila. :'( Gusto kong makita ka ngayon para itali ka sa poste nang di ka na makaalis pero wala e. Kahit na maglupasay pa ako sa harap mo, hindi naman kita mapipigilan, di ba? Hayy. Sana lang, wag mo ko kalilimutan. :( . Kasi ako, hindi kita makakalimutan at kailan ma'y never kitang makakalimutan. Sana magkaroon ng araw na pwede tayong magkita, kahit sandali lang. Tipong masasabi ko sayo lahat ng feelings ko pero wala pa ring nagbabago sa friendship natin. Yung magkukulitan tayo for the last time. Yung formal na tayong mamamaalam sa isa't isa. Pero alam kong di yun mangyayari kasi Una, walang forever :D. Pangalawa, di mo ko gusto T_T. Sige. Bye na. Baka maging MMK pa 'to. Mamimiss kita. Arigatou Gozaimasu, Question Mark-san! (Thank you, Question Mark!) Aishiteru (I love you) forever and always. :)

Exclamation point.

***
A/N: This chapter is requested by Ang walang kamatayang dyosa na si TottiePattotie at si Ate lorgiezipaganbayang. Sorry po kung ngayon lang ako nagdagdag ah. :)

To: BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon