Question Mark,
Hi. Salamat sa memories natin as bestfriend for the last 4 years. Ngayong inaalala ko yung memories natin, hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya mo kasing kasama eh. Huwag ka maniniwala sa sinsabi nila, bestfriend. Pangit ka man sa paningin nila, sa paningin ko naman, ikaw na ang maliwanag na tala. Salamat dahil pinasaya mo ako ngayon. I will cherish the moments I have with you since last year mo na sa school natin. Sana hindi na lang kayo aalis. Mamimiss ko yung pang-aasar mo sa akin. Mamimiss ko yung kulitan natin. Sa totoo lang, nagugustuhan ko yung pang-aasar mo. Nagkukunyari akong nagtatampo kahit hindi naman. Wag mong isipin na masaya akong aalis ka. Paano ako magiging masaya kung malalaman kong aalis na ang mahal ko? Sounds confusing, right? I may call you, "bestfriend" but deep inside my heart, higit pa sa pagiging bestfriend ang nararamdaman ko para sayo. Bestfriend, mamimiss talaga kita. Isa ka sa mga taong importante sa akin. And I just can't imagine spending my day without you. Ang wrong timing naman ng luha na ito. Bakit ba kasi kailangan mong umalis? Alam mo ba kung sino ang maaapektuhan sa pagkawala mo? Ako. Kasi mamimiss ko yung mga oras na magtatabi tayo at wala ng ibang ginawa kundi magkulitan at magkwentuhan. Pero dahil gusto kong matupad ang pangarap mo, sige. Kahit masakit. Papakawalan kita. I will be selfless for you and for the sake of your dreams. Hahayaan kitang umalis. Ayos lang kahit na masaktan ako, basta't alam ko na matutupad mo ang pangarap mo. Please don't forget me. (I am) The girl who loved her bestfriend very much but distance will separate him from her. Remember, you don't need to adjust just to blend with your surroundings. Because you are PERFECT. Take care. Goodbye.
From:
Exclamation point.