Chapter 4[Worst Day]

25 2 0
                                    

[Worst Day]

Angel May's P.O.V.

Wala akong maintindihan sa nilelecture namin ngayon sa English.Yung feeling na lutang ang isip mo ewan pero kanina pa ako ganito di ko maintindihan sarili ko.Wala naman akong lagnat or sakit.Siguro dahil dun sa water boy na tanong ng tanong ng precious name ko.Panu ba naman kasi habang nagpapractice ako para sa audition ng cheering squad wala siyang ginawa kundi magbigay sa akin ng tubig hindi naman ako nauuhaw.The worst is hindi ako natanggap sa cheering squad.Nakakainis because of that water boy hindi tuloy ako nakapasok sa squad tapos sa sobrang inis ko may natamaan ako na isang lalaki,ang alam ko natamaan ko siya sa braso eh then hindi pa ako nakapag-sorry kasi bigla akong hinila ni Elle.Would this day be worst?.Kaya pala ako hinila ni Elle dahil nasa clinic si Ky.

"Mrs. Batiller are you even listening?!" bigla akong nabalik sa realidad.OMG! lagot na! siguro kanina pa ako tinatawag ni Sir di ko lang napapansin or naririnig kasi lutang ako.Tumingin ako sa lahat ng mga classmates ko and what the?! lahat sila nakatingin sa akin,kahit sila Lj,Gwynth,Ysabel and Micah.Padahan akong tumingin kay Sir at sinabing "Yes,I'm listening Sir" kahit ang totoo,hindi talaga.By the way kilala niyo na ba ako I'm Angel May Batiller from Regular Section.

"Make sure that your listening because we will have a short quiz" What!? short quiz.This is the worst day.Ano na lang isasagot ko sa answer sheet hayy ewan ko sayo MayMay di ka kasi nakikinig.First day na first day ng pagiging 4th year ko akala ko magiging best day itong araw na 'to para sa akin.

***

"Uy May anong nangyari sayo kanina?" tanong ni Gwynth.Nasa hallway kami susunduin namin sila Pat para sabay sabay na kami kumain tanghali na kasi eh.

"Eh kasi lutang ako eh wala nga akong naintindihan sa pinag-aralan kanina eh tapos hindi ako sure sa mga pinangsasagot ko nung nag-quiz tayo." huminga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin yun.

"Bakit ka lutang? Sino ba iniisip mo?" biglang tanong ni Gwynth.Kainis naalala ko na naman yung water boy na yun.

"Wala." tipid kong sagot.Ayaw ko muna kasing sabihin sa kanila.Nag-nod na lang sila sa akin.Kapag kasi nagtatanong sila tapos ang isasagot ko ay wala.Alam na nila meaning nun na bad mood ako.Diretso na kaming naglalakad ng napahinto ako dahil sa nag-vibrate ang cellphone ko.Tiningnan ko kung sino yun baka kasi Ivan at tama ako siya nga,kaagad kong binasa ang tinext niya sa akin.Ang sakit may kumirot sa puso ko.

*From: IvanMyBabe
May I'm sorry pero let's break up.

Ayan lang naman ang nabasa ko at ang tanga ko inulit-ulit ko pa ang pagbabasa.Di ko namalayan na may tumulo na pa lang luha sa tagilirang pisngi ko.Ang sakit bakit kailangan pa humantong sa ganito?Naging masama ba akong gf?Nag-away ba kami?May mali ba akong nagawa?Bakit siya nakipag-break sa akin?.Ang dami kong tanong sa isipan ko at yung luha na kanina lang ay isang patak ay ngayon di ko na mapigilan ang umaagos kong luha.Kailangan ko nang lumapit kila Gwynth baka nakalayo na sila sa akin,pero hindi ko naman hahayaan na maglalakad ako papunta sa kanila habang umiiyak ako,isipin ng iba dyan baliw ak--

"Ano ka ba bro natamaan mo yung babae oh.Halika na nga dali mamaya malakas pala yung pagkatama!!" may narinig akong boses lalaki.Naka-bow pa kasi ang ulo ko,di ba nga umiyak ako nung nabasa ko yung message.Kahit ngayon umiiyak pa rin ako.Napansin kong parang may biglang lumapit sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lucky 12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon