Estudyante

311 1 0
                                    

"Asan ka na babe? Andito na ako sa labas ng school." Tanong ni Anton sa kausap sa phone. Si Anton ay ang nobyo ni Jester for 3 years. Isang doctor sa isang sikat na ospital sa Taguig. Si Jester naman ay isang guro sa isang all boys exclusive school sa Quezon City at 4th year ang kanyang tinuturuan. "Wait lang. Di ko mahanap ung susi ko, di ko alam kung san ko nailagay " Sagot ni Jester kay Anton habang naglalakad palabas ng classroom, nang biglang nalaglag ung phone na hawak nya. Dahil sa isang malaka na puwersa ang bumangga sa kanya. "Shit!" sa loob loob nya. "What do think you're doing Mr. Wu!? " turan nya sa estudyanteng naka bangga sa kanya, habang masamang tinitignan ang binatang humahangos pabalik sa loob ng classroom, na pumunta sa upuan may tinignan sa ilalim tapos humangos din palabas ng room ng hindi tumitingin sa nabanga nya, o kung may nasaktan sya. Dahil na din sa pagmamadali, di na maxadong binigyan pansin ni Jester ang nangyari, dinampot ang mobile phone then lumabas na para puntahan ang kasintahang nag aantay sa labas. "Bakit nakabusangot ka?" magiliw na tanong ni Anton sa nobyo pagkapasok nito sasakyan. "Wala nabwisit lang ako at may estudyanteng nakabangga sa akin pagkalabas ko ng pinto kanina, take note wala man lang sorry akong nakuha sa buwisit na yun!" habang tinitignan kung may sira ung mobile phone nya na kaninang nalaglag. "Smile ka na dyan babe, papangit ka nyan" wika ni Anton, habang ginagaya nya ang mukha ni Jester tapos tumatawa. "Sige mambwisit ka pa lalo "sabi naman ni Jester then tumingin sa bintana ng sasakyan. "Ito naman binibiro lang bilis magtampo, ngingiti na yan hiyiiee" paglalambing na sabi ni Anton. " Tumingin ka nga sa daan at bka madisgrasya lang tayo sa ginagawa mo eh" sabat naman ni Jester.
Sumeryoso na lang si Anton and nag focus sa pag dridrive, habang binabagtas ang kahabaan ng Katipunan, buti na lang hindi traffic. "Mag dinner na tayo sa labas, wala ako sa mood magluto"biglang sabi ni Jester after a few minutes na walang nagsasalita sa kanila. "Ok." Sabi naman ni Anton. Makalipas ang ilang minuto paparada na sila sa isang kainan sa katipunan. Habang nag aantay sa mga inorder na pagkain, di mapigilang tignan ni Anton ang binatang nagpatibok ng kanyang puso. Maputi, matangos ang ilong, chinito, matalino at modelong modelo ang dating, pero tulad din nya may tinatagong lihim sa kaniya kaniyang pamilya, tapos napangiti. "Nagsisimula ka na naman? Biglang sabi ni Jester na kinagulat ni Anton. " Ang sensitive mo ngaun ah, meron ka?" Ngising tugon ni Anton kay Jester. Na inikutan lang ng mata ni Jester.
Buti na lang after a few minutes dumating na ung order nila kumain then umuwi.

"Dee" (short for daddy na tawag ni Jester kay Anton) tawag ni Jester kay Anton to get his attention, na prang walang nangyaring pagsusungit kanina. "Maliligo na ako ha, hindi ka ba sasabay?" Tanong ni Jester kay Anton. "Mamaya na ako babe, at inaantay ko ung tawag ni mommy sa skype may sasabihin daw eh." Tugon ni Anton kay Jester. "Ok" sagot naman ni Jester. Habang naliligo si Jester naisip nya ang ginawang pagsusungit kay Anton. Naalala din nya ung estudyanteng nakabanggaan nya kanina sa school. Isa yun sa mga pasaway na student dahil laging mag- isa, di gumagawa ng homework at madalang lang pumasa sa mga exams at higit sa lahat pinsan ni Anton ang estudyanteng yun. Si Christian Wu, isang weird pero gwapong binata. Tulad ni Anton maputi din itong si Christian, mapungay ang mata na chinito, matipuno at may sinasabi sa buhay. Naputol na lang ang pagiisip nya ng marinig nyang prang medyo tumataas ang boses ni Anton habang kausap nito ang ina sa skype. Ang mom ni Anton is asa Italy nakabase si Anton at ang sister lang nito ang andito sa Pinas ang ibang siblings nila is asa ibang bansa kasama ng mom nya. Lumabas na sya ng nakatapis at mukhang napansin ni Anton ang paglabaa ni Jester sa cr, kaya nagpaalam na din sa ina.
"What happened? Bakit parang medyo tinataasan mo ng boses si tita? " Tanong ni Jester kay Anton.
"You wont believe that this is happening" sagot ni Anton . " Tita Ellaine wants you to help Cris sa study nya. Sinabi ko, na that kid is hopeless. Ayun nagalit and maxado ko daw jinujudge si Cris, sinabi ko na busy ka at di mo matutulungan si Cris.
"Buti naman" sagot ni Jester, hindi na nya binangit na si Cris din ung nakabangaan nya kanina sa school. At si Anton naman ang naligo. Paglabas ni Anton sa banyo. Nakita n nya si Jester na mahimbing na natutulog. Tumabi sya sa binata hinalikan sa labi at natulog na din.

Kinabukasan..

Habang busy si Jester sa pagtingin sa kanyang lesson plan, nararamdaman nyang may taong nakatingin sa kanya. (Alam mo yung ganung pakiramdam?) Nilibot ni Jester ang mata nya sa classroom at napansin nyang lahat ay busy sa pinapagawa nya maliban sa isang tao. Si Cris, nakita nya itong nakatingin sa kanya, nakatitig na parang may kung anung iniisip, ng napansin ng binata na nakatingin ang guro nito sa kanya ay ibinaling nito ang mata sa librong asa harap nito at ngumiti.

"Anu kaya ang iniisip ng lokong yun at kung maka tingin ay kala mo kakainin ako ng buhay" naisip ni Jester. At after ng ilang minuto may nagpaalam na lalabas papuntang cr. "Mahal ka din nun sir!" Sabi ni Shari habang papalabas papuntang cr at ayon naghiyawan na sa loob ng classroom.

After isang oras tapos na ang araw ni Jester. Naglalabasan na ang kanyang mga estudyante, bukod kay Christian. Lumapit ito sa kanyang desk and tinanong kung nakausap na sila (Anton at Jester) ng mama ni Anton. Nabigla si Jester sa pagpunta at biglang tanong ng binata sa kanya at tanging "hindi pa" ang naisagot niya dito.
"Sana pumayag ka sir" sabay kindat at ngiti nito kay Jester tapos umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teacher and StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon