Habang nag lilinis ako ng kwarto ko, may nakita akong sulat na nakasingit sa picture frame ng picture namin ni Dada.
Kinuha ko iyon. Oo nga pala! Ito yung sulat na binigay nung kartero last month. Nakalimutan ko na kasi busy na ako para sa nalalapit naming prelims exam.
"Ano ba kasi to?" tanong ko sa sarili ko.
Tinignan ko muna yung nakalagay sa cover. May sulat kaagad dito?
'My dear Chabitha please don't open this until your 18th birthday. Don't cheat. I love you so much anak.'
Huh? Ano daw? Osige na nga susundin ko na lang yung instruction sakin ni Dada. Wala naman sigurong mawawala sakin.
Tinago ko na muna yung sulat ni Dada sa cabinet ko kasi baka mawala pag inipit ko ulit sa picture frame.
Naisip ko naman na tawagan muna si Cheska kasi may utang ako sa kanyang kwento. Ayoko naman mag tampo sakin si bestie besides I miss her. Minsan na lang talaga kami nag kakatagpo ng babaitang iyon.
Tinawagan ko muna siya para papuntahin dito sa bahay kasi pag lumabas pa kami, gagastos pa. Ayoko mabawasan tong allowance ko. Si Cheska mayaman naman kaya ayos lang. Hahaha!
"Hi bestie!" masigla kong bati sa kanya.
"Hello bestie! Oh! Napatawag ka?" pagtataka niya. Minsan lang kasi ako gumamit ng phone ko kaya himala na tinawagan ko siya.
"Uhm. Bestie punta ka dito sa bahay namin ngayon. Sleepover tayo." yaya ko sa kanya.
"Ay pasensya na bestie tatapusin ko pa yung paintings ko ngayon kasi kailangan namin sa Art class. Sorry talaga Chabby. Next time babawi talaga ako." sabi niya. Nakakalungkot naman.
"Sige ayos lang bestie. I understand. Basta next time ah? Tapusin mo muna lahat ng requirements mo." sabi ko.
"Thank you talaga bestie! Sige babye!"
"Wala yun! Bye bestie!" paalam ko sa kanya saka binaba yung tawag.
Mag-aaral na lang nga ako para matuwa naman ako sa sarili ko kailangan mataas yung grades ko ngayong sem. Mahina pa naman ako sa Geometry, basta Math subject kaaway ko yan.
After 30 minutes, napagod na yung utak ko kakaintindi ng mga formulas. Nag rereklamo na yung tiyan ko. Kaya bumaba muna ako at kumain ng carbonara na niluto ni Mama.
2 months na lang at matatapos na yung 1st sem. Ang bilis talaga ng panahon. Akalain mo nga naman.
Bukas ko na lang ibabalik kay Max yung long sleeves ni kuya Marco. Hindi kami nag kakatagpo dahil busy siya sa pagiging President ng dance troupe. Di na rin kami sabay umuwi kasi lagi silang nag papractice. May inter school competition kasi next week.
Never talaga ako naging mahilig sa mga extra curricular activities sa school namin. Feeling ko kasi di naman ako belong except for Scholar's guild. Compulsory naman kasi doon. Pag nasa dean's list ka, automatic member kana agad.
Puro nerds and geeks lang yung mga kasama ko doon pero masaya pa rin naman kasi may mind connection kami. Walang left out dahil lahat gets kung ano yung pinag-uusapan. Hindi pinapairal ang discrimination sa pagitan ng mga members at dapat tulungan lang.
--
Ang aga ko pumasok ngayon. Infairness naman lumelevel up yung body clock ko. Di na kailangan ng alarm.
"Good morning Chabs! Ew. Like you're so mataba." sabi ni Daphnie sabay tawa.
"Tigilan mo nga ako sa mga kaartehan mo Daphnie." sabi ko saka akmang aalis na pero nag salita na naman siya.
BINABASA MO ANG
Unrequited L❤ve
Novela JuvenilIsang cutie and oh so chubby na si Chabitha Gutierrez ay isang hopeless romantic at ang kanyang hiling ay mapasakamay si Maximus Sy, ang love of her life. Magkaroon kaya sila ng happily ever after o mananatili ang kanilang love story na isang unrequ...