CHAPTER TWO

269 4 3
                                    

"Nandito na ba ang lahat?" Aldwin asked habang hawak ang microphone. Lahat na member ng Hellia ay nakahilera na habang nakatingin kay Aldwin. Simula nu'ng mapasali ako ay Hellia na ang bansag sa grupong 'to. Tinatawag naman na Hellia's ang mga miyembro nito—at kabilang na ako do'n.

"Pinatawag ko kayong lahat dahil sa bawat grupo ay may kanya-kanya na namang nakaatas sa inyo." pagpapatuloy niya. Sa grupong 'to ay nahahati kaming lahat sa sampo. Bawat grupo ay may limang miyembro. "Ang unang grupo ay nakaatas sa mansion ng nga Hernandez." nag-umpisa na siyang mag bigay ng tungkolin.

Nasa ikalimang grupo kami kaya hinintay nalang namin ang nakaatas sa'min na gawain. Sa grupong kinabibilangan ko ay kasama ko si Henri, Rico, Niña, Rachel at ako. Napatingin naman ako sa buong paligid at hindi ko parin nahahagilap ang anino ni Rachel. Kanina ko pa siya hindi nakikita simula nu'ng dumating kami. Hindi din namin siya nakasama kanina sa mansion ng mga Callisto.

"Ay naku, Fey, 'wag mo ng higalapin ang bruhang 'yon. Magpapakita din 'yon mamaya, kung 'di pa tapos mag-ayos o 'di kaya ay nakikipag landian pa sa tabi-tabi." pagsasalita ni Niña ng mapansin niya na panay ang lingon ko sa buong paligid.

"Ang layo ko pa pero amoy na amoy ko na ang baho ng bunganga mo, Niña." napalingon naman kami at nakitang naglalakad ito papalapit sa'min.

"Well..well..well.. speaking of the.." napabaling muna siya sa'kin at mahinang bumulong. "Ano nga 'yung english ng malandi??"

Narinig naman namin ang tawa ni Rachel at nakitang umupo ito sa pagitan ni Rico at Henri. "Kung ako sa'yo, 'wag kanang mag tangkang mag english, mapapahiya ka lang."

Parang kamatis naman ang mukha ni Niña ng marinig ang sinabi ni Rachel. Hindi ko mahulaan kung napahiya ba 'to o nagtitimpi ng galit.

"Tumigil muna kayo, pwedi? Sa'tin na ang susunod, makinig kayo." saway ni Henri sa kanila. When Henri said that, they almost shut their mouths, but they're still rolling their eyes toward each other.

"Sa ikalimang grupo naman ay papasukin niyo ang villa ng mga Mondevera mamayang gabi." nagkatinginan naman kaming lahat dahil sa pagtataka.

Siguro ay nagtataka din sila kagaya ko dahil sa kagaya ko ay ngayon ko lang din narinig na mayro'ng villa pala sa lugar na 'to. So, ibig sabihin ay hindi lang simpleng lugar ang papasukin namin? Kung isa itong villa ay malamang na maraming bantay dito at malamang na hindi lang ito isang ordinaryong lugar. Napabaling ako kay Henri, pero mukhang hindi siya nagulat katulad namin. Mukhang may alam siya sa lugar na papasukin namin dahil sa pinapakita ng mukha niya. Pero ano bang bagay ang hindi niya alam? Pa'no siya naging kanang kamay kung wala siyang nalalaman, 'di ba?

"Kailangan niyong makuha ang isang mahalagang dokumento na naglalaman ng isang mahalagang impormasyon. Sa mansion ng mga Mondevera ang bagay na 'to. Hawak nila ang orihinal at pineke ang katibayan na magpapatunay sa totoong tagapagmana." paliwanag nito sa gagawin namin mamayang gabi.

"Hindi ba magiging delikado ang pagpasok natin sa villa ng mga Mondevera??" tanong ni Rico.

"Ang duwag mo talaga." sagot naman sa kanya ni Niña.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ako naduduwag, nagtatanong lang ako." pagtatama niya sa sinabi niya.

"Gano'n parin 'yon."

"Sa tingin ko hindi magiging madali ang gabing 'to para sa'tin." biglang pagsasalita naman ni Rachel.

"Ang sabihin mo, hindi ka na naman makakasama." pag-uumpisa na naman ni Niña sa kanya.

"Sa tingin mo mag papahuli ako ngayon? Hindi mo ba naisip na parang ang exciting nito?"

"Ano sa tingin mo, Henri?" Napabaling kaming lahat kay Henri na seryoso ang mukha habang nakatingin sa malayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Game (Billionaire Series #5) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon