dalawa

24 3 0
                                    

D A L A W A

Loisa

"Heil"

Buntong hininga kong pinunta si Yael, hindi niya ako napansin dahil nakatingin lamang siya sa babae na baka si 'Avie' na kanina niya pa tinutukoy. Kinagat ko muna yung labi ko at mahinang bumuntong hinga bago ko siya tinapik sa kanyang balikat.

Para namang natauhan siya at nilingon ako.

"Oh, ikaw pala yan, lika." Sabi niya at tinuro ang upuan na nasa harap niya. Umupo naman agad ako at tiningnan siya nang may pilit na ngiti. "Yan si Avie." Tinuro niya naman yung babae na kanina niya pa tinitingnan.

Nakalugay ang buhok ng babae at nakasuot ng white summer dress na talagang bagay na bagay sa kanya dahil nagtutugma ito sa makinis at tama tamang mapuputi niyang balat. Nakasuot rin siya ng flat sandals na nagco-compliment sa kanyang suot at may simple accessories. 

Ang ganda.

Napangiti naman ako dahil napakaganda nga ni Avie, tangina. Pero hindi pa rin mawala ang mapait na nararamdaman ko.

"Ang ganda.." Sabi ko sa kanya at binigyan niya ako ng napakalaking ngiti.

"I know!" Masaya niyang sambit. "Should I go talk to her?" Tanong niya habang tinitingnan niya si Avie na para bang in love na siya.

In love?

"Y-Yeah, you should. Baka maunahan ka pa, haha." Biro ko at ngumisi naman siya. Sabihin mong 'wag siyang pumunta, Loisa. Ngayon lang naman, maging selfish ka din.

"Ako kaya pinakagwapo dito, walang lalamang sakin, noh." Mayabang niyang sambit at napatawa naman ako.

"Hindi madadala sa pagkagwapo ang mga babae, Yael. Pag siya naunahan, wala ka na talagang chance sa kanya." Magkahulugan kong sambit sakanya. Tama nga, kung sana ay inunahan ko si Avie, magugustuhan niya kaya ako?

Napaisip naman siya at ngumiti lang ako.

Ayaw ko siyang i gate keep dahil alam ko namang mahirap iyon, mas maganda pang sabihan niya ito ng straight up kesa naman maghabol siyang bulag sakanya.

'Wao, lakas maka advice, self. Try mo rin kayang i apply sa sarili mo.'

Pakshet.

Tumayo naman agad siya. "Di ako papayag!" Sabi niya bago mabilis na pumunta kay Avie. Pero nang malapit lapit na siya sa kanya ay mas bumagal ang kanyang mga lakad.

Tangina ang torpe.

Pero nang may pupunta sana kay Avie ay inunahan niya kaagad. Napatawa naman agad ako ngunit nawala iyon nang makita ko silang nag uusap.

"Ang gwapo at ang ganda, bes! Bagay na bagay!" Narinig kong bulong sa aking likuran.

"Oo nga, when kaya sakin! Huhu." Gurl same.

"Anong when when ka diyan? Eh hindi ka pa nga naka move on eh!" 

"Kahit na! Kung may makita akong iba, mawawala na tong feelings na to noh!"

Humina ang kanilang mga boses kaya hindi ko na narinig ang kasunod non. Bumalik ako ng baling kay Avie at kay Yael.

Hindi maitatanggi na bagay na bagay sila kaya mas nanlumo ako. Ang sakit talaga. Kung pwede lang itong mabura, ginawa ko pa noon pa.

Ang totoong rason kung bakit ako nagdrama last week ay dahil nasasaktan akong may kasama siyang iba. Na para bang kapag may lumapit sa kanya ay kumikirot ang aking puso. Kahit gusto kong ipunta ang tingin ko sa iba para hindi na ako masasaktan, ay hindi ko ito magawa.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon