3

24 8 3
                                    


"Love, you're here na pala!"

We were still both in shock or... ako lang pala. Nathan hugged Nadia who just came back after showering.

I went back to my seat and smiled, a fake one? I guess so.

I finished all the equations, formulas and reviewers for her to study para may masagot siya sa next meeting namin.

I looked at Jio's side and he's looking at me, more like observing me. Masyado ba akong halata? Bigla akong kinabahan.

Nag o-overthink lang ako.

"Aalis na ako" I finally caught their attention.

"Hey Alara, eat with us na and I'll drive you home. Gabi na rin"

Ayan, jan ka magaling Nathan. Palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin eh. Isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang sorry, wala... Umiikot na ulit yung mundo ko.

Pero sino ba naman ako para tumanggi?

"Ah sige, salamat"

Puta, ano ka ba naman Alara Clementine??
Uto uto ka ba talaga?

Umupo na kami sa table, and wow.. boyfriend material talaga 'to si Nathan.

Nasa kitchen silang dalawa ni Nadia kaya nag kunyari akong kukuha ng tubig, na datnan ko si Nathan na niyayakap si Nadia sa likod habang kinikiliti.

Sana all.

"Hoy Alara ano twitter mo?"

Papansin naman 'to, kitang nag m-moment pa ako dito.

"Why are you so curious about me? You're not my type"

"Luh, feeling ka naman ate"

"Excuse me? You're older than me wag mo akong ma ate ate, wala akong kapatid na kasing pangit mo"

"Weh iniiba topic"

Nakipag away pa siya sa 'kin hanggang sa narealize ko na nakaupo na uli ako sa upuan at tapos na rin sila mag harutan sa kusina.

Magka tapat kami ni Nathan, at katabi niya si Nadia, which makes Jio sit beside me

I was about to flip my fish when somebody stopped me like I committed a crime or something.

"What is wrong with you?!"

"Wag mo if-flip yung isda! May tataob na barko!"

What the fuck Jio?

"And sino naman nagsabi sa 'yo nyan?!"

"Tatay ko, bakit? May angal ka? Sige makipag away ka sa langit"

Oh God guide me.

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya mangyari, nang makita niya akong nahihirapan sa pinag sasasabi niya ay kinuha niya ang isda ko at hinimay.

Gentleman na may pagka tangina.

Sinunod ko nalang siya dahil gusto ko na rin makauwi. What a chaotic day.

"Where do you live, Alara?" Nadia asked me.

"She lives by the coffee shop, kung saan siya nag w-work, babe" Wow Nathan sino ka diyan? Spokesperson ko?

Tumahimik nalang ako kasi ang ending sila rin naman ang nag usap. Nag focus ako sa kinakain ko hanggang matapos sila, pero kanina pa sinisipa ang paa ko sa ilalim ng mesa, hindi ko na kailangan hulaan kung sino.

Tumingin ako sa gilid ko at naabutan ko si Jio na nagpipigil ng tawa. What is wrong with him? Ang epal niya, he's really not like Nathan. Masiyado siyang maingay.

"Ano kasi twitter mo" He pouted. Ano ba 'to? 5 years old?

"No. Ano naman gagawin mo sa twitter ko? Baka kung ano ano pa i-tag mo sa 'kin. Asa ka rin na if-follow back kita?"

"Ang daming sinabi" He pouted. AGAIN.

Inirapan ko nalang siya at tumayo na rin sila sa lamesa kaya tumulong rin ako sa pag liligpit.

Matapos magligpit ng mesa ay inayos ko na rin ang gamit ko. Nagpasalamat na rin si Nadia at nagpaalam na ako.

"Let's go?" Nathan smiled at me.

Hindi pa ako nagtatagal sa kotse ni Nathan ay biglang may nag notif sa phone ko.

@jiovani_ is now following you!

What the hell?

Coffee MadnessWhere stories live. Discover now