4

20 5 0
                                    


I don't think there's still a place I could call home. Every place makes me fucking sick.

My mind completely changed when I arrived at the coffee shop. Hindi ko naman pinangarap mag trabaho dito, at mas lalong hindi ko pinlano.

Nagulat nalang ako dahil tinuring ko na rin pala itong sarili kong 'safe place'. Surely ma m-miss ko 'tong shop. I'd only be able to work here on weekends because of uni.

Speaking of uni, nakapag enroll na ako at kukunin ko na nga pala ang id ko bukas.

Nag palit ako ng uniform na pang trabaho at nag suot ng hair net.

Inayos ko ang buhok ko sa salamin at nakitang may pumapasok na customer.

"Good day Ma'am and Sir! What can I do for you?" I smiled at them.

The smile could have not been fake kung hindi lang naman si Jio ang pumunta dito kasama ang dalawang kaibigang lalaki at isang babae.

"Hi Miss coffee! Kasama ko nga pala mga friends ko, bakit mo ako ni remove follower sa twitter?" Straight forward niyang tanong.

"Can you please stop calling me names? And please? Stop stalking me"

"Ang feeling mo naman Miss, malapit kaya university ko dito? Tsaka nakikipag friends lang naman ako"

"Bro, tama na 'yan hahaha. O-order na kami Miss?"

Thank heavens at umorder na rin sila, Jio ordered 8 shots of americano. Nag papakamatay ba siya?

Mukang walang masyadong customer ngayon, dahil ba sa ulan?

From: Miss Louisse

Ac hello! Pwede bang ikaw na rin mag sara ng shop? Kung wala nang masyadong tao, kahit magsara ka na maya maya.. hindi rin kasi ako makaka punta dahil mukang may bagyo. Salamat nak.

Si Miss Louise ang former teacher ko na may ari rin ng shop, sa loob ng ilang taon ko dito sa shop ay tinuring ko na rin siyang kaibigan. Malapit siya sa 'kin at si Chloe na anak niya. Pero mula nung mag senior high si Chloe ay umuwi siya ng Canada kasama ang tatay niya.

I waited until 6 pm pero mukang nagpapa tila pa ng ulan sila Jio, so I went to him.

"Anong oras pala kayo uuwi?"

"Grabe ka naman, pinapa alis mo na ba kami? Mamaya pa naman sara ng shop ah?" Turo niya sa sign na nakalagay sa pinto kung anong oras nagsasara ang shop.

"It's raining. I need to go home para hindi na ako gabihin dito."

"Aalis na mga kaibigan ko, may aantayin lang ako, sabihin mo nalang pag mag sasara ka na."

Tumango nalang ako at nagbihis uli ng suot. Tinanggal ko na ang apron pari ang hairnet ko, at naglinis ng shop.

Isasara ko na sana ang dapat isara sa harap ng shop ng na realize ko na ang bigat pala, magpapa tulong sana ako kay Jio nang biglang may bumusina.

"Hi Alara! Need a hand?" He smiled at me.

Tumango ako at ngumiti pabalik. How can I forget you Nathan? Lagi siyang dumadaan dito tuwing gabi, at naabutan pa talaga ako sa ganitong sitwasyon.

Nagpasalamat ako matapos niyang isara ang shop, pumasok muna ako sa loob para kunin ang gamit at sabihin kay Jio na isasara ko na ang shop.

"Jio? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Nathan.

"Ahh kuya, ihahatid ko na po si Alara, umuulan po kasi at delikado sa daan." nagulat ako sa sagot niya pero mas nagulat ako sa sinabi ni Nathan.

"No, I'll take her home nalang Jio. Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng ate mo."

"Kuya ako na po, kaya ko naman na hehe una ka na po."

"Ako na Jio, you don't even know where she lives" muka namang natauhan si Jio at tinignan ako kung sasabihin ko sa kaniya pero I avoided his gaze, hindi ko rin alam kung bakit.

Nagulat ako nang biga kaming tinanguan ni Jio at lumabas. Tumingin sa 'kin si Nathan at ngumiti, hindi ko ma alis sa isip ko kung may dala bang sasakyan si Jio.

"Let's go?" He asked me.

"Let's go" I smiled at him.

Coffee MadnessWhere stories live. Discover now