Chapter 2

117 3 0
                                    

OWNED BY A RUTHLESS GENERAL

CHAPTER 2

WARNING!! READ AT YOUR OWN RISK

"Mayor!" Zarie smiled as she called Mayor Ariel to bid a goodbye. Siya ang nag-iisang katulong ng Mayor na stay out.

ONE AM nang matapos ang party ni Mayor. Isang oras sila bago nakatapos maglinis ng mga kalat.

"Salamat po at happy birthday po ulit."

Lumapit ito sa kanya at bahagyang hinimas ang buhok niya. "Salamat hija. Ayaw mo ba talagang magpabukas na lang ng umaga umuwi? Natatakot kasi ako dahil gabing-gabi na."

"Ok lang po Mayor, magtetext na lang po ako kay kuya Kenie at magpapasundo."

Napabuntong-hininga ito bago tumango. Nagpaalam na ulit siya na aalis pero napabalik ulit nang tawagin siya nito.

Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Pakiusap Zarie, iwasan mo siya."

Napakunot ang noo niya dahil hindi niya ito maintindihan. "Sino po?" Nagtatakang tanong niya.

Akmang magsasalita ito pero kaagad na tumikom ang bibig bago tumalikod at sinabing mag-iingat siya.

Nagtaka at naguluhan naman siya sa reaksyon ni Mayor.

Ano ba iyon? Antok na ba si Mayor?

Ipinagsawalang bahala niya iyon at umalis na lang. Nang makalabas siya, malamig na hangin ang bumungad sa kanya. Niyakap niya ang sarili.

Itetext ko pa pala si kuya Kenie.

Akmang kukunin niya ang dipindot na cellphone sa bag nang may humintong magandang kotse sa harap niya. Namangha siya sa ganda ng kotse. Hindi niya alam ang tawag dito pero halatang mamahalin.

Wow! tunay na rich kid.

Napamaang siya sa lalaking bumaba mula sa driver seat. Ngumisi ito sa kanya kaya napakapit siya ng mahigpit sa bag.

Siya iyon. Iyong lalaki kanina.

"S-sir?"

"Ouch!" Napahawak ito sa bandang puso at umaktong nasasaktan. Her heart beats fast when he finally stood infront of her. "Hi! Uuwi ka na?"

Wala sa sariling napatango siya nang mahipnutismo sa malatsokolate nitong mga mata.

"Great! Ihahatid na kita."

Umuwang ang labi niya. Akmang hahawakan nito ang kamay niya nang umantras siya. Nakita niya pa kung paano magbago ang mukha nitong masaya sa pagiging blanko ang mukha. Madilim ang mukha. Nakakuyom ang mga kamay. Tumitiim ang pagkakalapat ng mga labi.

Galit ba siya sa akin? Pero wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Sa kabila ng kabang nararamdaman at takot sa lalaki, she already questioning herself.

Hindi ko siya kilala kaya bakit sasama ako sa kanya?

"H-hindi na po,"

Mariin itong tumitig sa kanya. Mabilis siyang kinabahan dahil nawala na talaga ang pagkaplayful nito, bagkus ay parang nandidilim ang itsura animo'y banas na banas na. Sa itsura nito ay para siyang papatay ng tao. Hindi niya gusto ang nangyayari. Pakiramdam niya sa oras na hindi pa siya makaalis sa lugar na ito, tuluyan na siyang makukulong sa damdaming pilit niyang nilalaban. Damdaming ngayon niya lamang naramdam.

"U-una na po a-ko,"

Lumihis siya ng daan pero nagulat siya nang mabilis itong nakapunta sa harapan niya at humarang sa dadaanan. Nanigas siya sa kinatatayuan nang magtangis ang mga pagang nito.

Owned By A Ruthless General (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon